20/04/2026
Sinasabi ng mga matatanda, may nakatira raw sa malaking puno ng akasya na palagian Kong dinadaanan, isang mabalahibong nilalang, parang tao pero hindi tao
Noong una, hindi ako naniniwala. Hanggang sa nagsimula akong makaramdam
Tuwing dadaan ako sa puno, parang may nakatingin sakin.
Mabigat sa pakiramdam
Minsan, may naririnig akong mahinang ungol, o kaya’y tunog ng sanga na gumagalaw kahit walang hangin.
Isang gabi, sobrang late na ako nakauwi
Halos alas-dose na
Tahimik na tahimik ang paligid
Paglapit ko sa akasya, bigla akong napatigil
May anino sa taas
Hindi ito normal na anino
Malaki
Nakaupo sa isang makapal na sanga
At nang tumingin ako nang mas maigi
Gumalaw ito
Dahan-dahang bumaba
Nakita ko ang anyo napakalaki
balot ng maitim at makapal na balahibo
Mahahaba ang braso
Ang mata
kumikislap sa dilim.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko
Bigla itong ngumisi
At doon ako tumakbo
Rinig ko ang yabag nito sa likod ko
mabigat, mabilis
Parang kayang abutin ang bawat hakbang ko
Pakiramdam ko anumang oras, mahahawakan na ako
“Wag kang lilingon” paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko
Pero nararamdaman ko malapit na siya
Halos madapa ako sa pagmamadali
Pawis na pawis, hingal na hingal
Nakikita ko na ang bahay namin
Ilang hakbang na lang
Biglang may malakas na kalabog sa likod ko
Parang tumalon siya
Pero pagdating ko sa may pintuan, bigla
Tumahimik
Wala na ang yabag
Wala na ang presensya
Dahan-dahan akong lumingon
Wala
Parang walang nangyari
Simula noon, gabi-gabi pa rin akong dumadaan doon
At gabi-gabi ko pa ring nararamdaman ang tingin
hanggang sa isang araw, pinutol ang malaking puno ng akasya
Nawala ang lilim
Nawala ang takot
At higit sa lahat
nawala rin siya
Akala ko tapos na
Pero isang gabi, habang papasok ako ng bahay, napansin ko ang bakas ng putik sa pintuan
malalaki, parang yapak ng paa pero hindi pangkaraniwan.
At sa itaas ng pinto namin
May isang hibla ng maitim na balahibo na nakasabit
Hindi siya nawala
Lumipat lang siya