SulatNi GuniGuni D. Alon

SulatNi GuniGuni D. Alon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SulatNi GuniGuni D. Alon, Poet, Iba, Zambales, Santa Cruz.

12/07/2025

Ako lang, mag-isa

Siguro pagod ka na o
nahihirapan ka na—malungkot siguro ang
palaging mag-isa— At ganito ang tanong nila
Madalas nila na makitang nag-iisa ka,
Na sa bawat tahimik na laban mo sa buhay ay ikaw lang mag-isa,
Sa bawat palihim na pag-luha— ay
mga pangarap na unti-unting bumabagsak—na dahilan ng dahan-dahan na pagkawala ng pag-asa at paghina ng kagustuhan na manalo sa bawat laban at hamon ng tadhana
Tulad mo ay marami pa ang palihim na lumalaban ng may katarungan,
tahimik na humaharap sa mga hamon at laban ng buhay—At mag-isa na kinakaya, nagpapatuloy at naniniwala—na sa takdang panahon ay "Ako naman" o "Ikaw naman"
Dahil sa pagdating ng tamang araw na 'yun ay maraming kahanga-hanga at magagandang bagay ang naghihintay sa dahan-dahan na pag-abot mo ng tagumpay.

_jeboy

09/07/2025

"Sa Tahanan na Bato o Sa Bahay na Totoo "
Magiging masaya ba kung nandito sila?
Magiging payapa ba ang buhay kung sila ang kasama?
Magiging maliwanag ba ang daan na lalakaran patungo sa magandang kapalaran?
Magiging malusog ba ang pamumuhay sa loob ng tahanan?

Ito ay Ilan sa mga katangungan na naglalaro sa aking isipan,
Dahil tulad ng Ilan,
Isa ko lang, sarili ko lang.

Sa pagpapatuloy ko,
nakakatakot at magulo,
At sa maraming laban ko, sunod-sunod ang pagkatalo.
Nagpatuloy pa ako,
sumasabay sa mapanghusga at mapagmataas na sistema ng tao.

At habang ako'y tumatanda ay naging labis-labis ang pagkabalisa
Dahil ang pangarap ko na masayang pamilya ay hindi ipinagkaloob ng tadhana,
hindi ko naranasan na magkaroon ng tahimik na pamilya,
araw-araw sinusubok,
kasabay ng madilim na pagdaan sa marupok na tulay na tinatahak.

Ito ba ang buhay?
Ang paghihirap ay ginawang hanapbuhay,
kung saan ang pagsusumikap, tiyaga at sipag ang puhunan,
At (sana) kapalit nito ay tagumpay.

Sa paglipas ng mahabang panahon,
ay dahan-dahan ko na itataguyod ang pangarap ko na tahanan.
Tulad ng ilog na banayad ang daloy,
ay dahan-dahan ko na mararating ang
tugatog ng masaganang buhay.

Ganito ang hangad ko na pamilya,
malayo sa sistema na mapanghusga.
Tahanan na matatag ang pundasyon,
masaya, payapa, maliwanag at malusog,
Sa patuloy na paglaban, ang pangarap sana'y mapagtagumpayan.
__jeboy

01/07/2025

"Tibok ng Puso"
tahimik at kalmado,
ngunit minsan, bawat pintig ay atrasado
ang mabagal pero tuloy-tuloy na pintig nito—kasunod ng masasayang kulay na tibok ng puso

nanginginig, nagmamadali at kinakabahan—hindi pangkaraniwang karanasan,
para sa Ilan, ganito ilarawan ang tunay na kahulugan ng seryosong pagmamahalan—kutob ng loob, tibok ng puso

sa bawat salita ay madama sana—ang tunay na pintig ng pag-ibig mo
sa bawat pangako ay madama sana—ang kahalagahan na layunin ng puso mo
At sa bawat araw na lilipas ay madama sana—matagpuan, makasama at maramdaman ang tunay na pagmamahal mo.

__jeboy

31/01/2025

dahan dahan

pwede ba nating bagalan?
idaan natin sa tamang paraan
sa kung paano natin gugustuhin
at maging tama sa kanilang paningin

sana'y sa maikling panahon
ay ating matagpuan
ang tunay na kahulugan nitong kasiyahan
idaan natin sa tuwid na paraan
uusad Tayo ng dahan dahan

26/01/2025

madalas bisitahin ng
pag iisa
hindi alam kung kailan
liligaya
ang tanging hangad ay
tunay na
saya

Address

Iba, Zambales
Santa Cruz

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SulatNi GuniGuni D. Alon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category