Aking Tinta

Aking Tinta Maligayang pagdating sa malawak kong kalawakan

LUTANG by: JJD~Sa may kalye, ako'y taimtim, tahimik na naglalakad.naka paa, mulat-mata, kapos pa sa kapos palad.Napadaan...
09/05/2024

LUTANG
by: JJD
~
Sa may kalye, ako'y taimtim, tahimik na naglalakad.
naka paa, mulat-mata, kapos pa sa kapos palad.
Napadaan sa salamin, repleksyon ko di maaninag
Tumuloy sa pagyapak ng mga paang di natitinag.
~
Tila wala atang hangganan ang daang naging tulay.
Walang katapusan na para bang pasipikong binabaybay.
Napabilis hakbang at tibok, pag lingon ko sa ibaba.
Di naalis sa paningin, dagat-dagatang nagbabaga.
~
Asan na ako? wala na ang tulay na aking inaapakan.
Nakalutang sa kawalan, pagitan ng apoy at kalawakan.
Anong dimensyon, anong lugar, mga mata'y nagluluha.
Napangiti't, napagtanto, ako pala'y kaluluwa.

Address

Brgy. Biay
Santa Cruz
2213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aking Tinta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Aking Tinta:

Share

Category