06/08/2026
🚨 EMERGENCY ADVISORY & WARNING 🚨
Mula sa Barangay Cuyab at MDRRMC
Oras: 11:25 PM | Petsa: August 06, 2026
Panahon / Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) & Tropical Cyclone MAYMAY
Mga Ka-Barangay Cuyab, tayo po ay kasalukuyang nasa ilalim ng ORANGE RAINFALL WARNING sa ating lalawigan ng Laguna, gayundin sa Cavite at Batangas.
⚠️ MGA BABALA:
• Matinding pag-ulan na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa (landslides) sa mga delikadong lugar.
• Pinaiingat at pinag-iingat ang lahat, lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog, estero, at mabababang lugar.
‼️ MGA HAKBANG NA DAPAT GAWIN:
MAGHANDA: Ihanda ang inyong Emergency Go Bag (pagkain, tubig, gamot, flashlights, at power bank).
MANATILING ALERT: Makinigi at sumubaybay sa mga opisyal na balita at advisory ng ating lokal na pamahalaan.
LUMIKAS KUNG KINAKAILANGAN: Huwag na pong hintaying tumaas pa nang husto ang tubig-baha bago lumikas patungo sa pinakamalapit na evacuation center.
Nakahanda po ang Pamahalaang Barangay Cuyab upang tumugon at tumulong sa inyong seguridad.
Mag-iingat po tayong lahat at manalangin para sa kaligtasan ng ating komunidad.
📞 MGA EMERGENCY HOTLINES