01/01/2026
Sa digmaan ay marami táyong naka-engkwentro,
hindi rin mabílang ang mga kuwento
Masamâ o mabuti man ang naidulot sa iyo,
ay ang mahalaga ay kung paano táyo natutò
at kung paano táyo nakasabáy sa pagbabago
Ganoon pa man,
Palakpakan natin ang mga sarili,
magbunyi táyo at magdíwang
Sapagkat táyo ay nagwagî
sa makasaysáyang digmaan
na binuo ng samu’t sáring pangyayari.
-MakaTalata