17/11/2025
📣“WE AREN’T JUST A DRAG HOUSE! WE ARE FAMILY!”
“Maaring bago pa lang ang House of Coco sa drag scene halos dalawang taon pa lang kami bilang grupo but let’s get one thing straight, hindi kami basta basta! Hindi kami yung tipong puchu-puchu na basta mo na lang maikakahon. Ang galing, dedikasyon, at puso namin sa drag, ‘yun ang bumubuo sa amin. Hindi nasusukat sa tagal ng taon ang husay ng isang drag queen, kundi sa kung gaano ka kagutom, kalupit, at kaganado sa bawat stage na tinatapakan mo. Kaya sa mga nangmamaliit? Maaring bago pa at di pa kaya makipagsabayan sa mga naggagandahan at nagmamahalan na mga wardrobe pero watch closely. Kasi sa House of Coco, hindi lang basta performance ang binibigay namin—binabalikwas namin ang buong entablado.” (Binabalikwas? 😱)
Kaya sa lahat ng sumuporta, sumusuporta at patuloy na sumusuporta mula umpisa hanggang ngayon. Sa aming mga Pamilya, Designers, Choreographers, Dancers, kaibigan , at mga kamag anak. Maraming Salamat po!
Love, House of Coco!
Perxxua Naomi
Xtine
Bagolicious
Klouie Chunk
Katana Peanutrixy
Miss Arra So
Tara Fox