KAPWA sa UPLB

KAPWA sa UPLB A duly recognized varsitarian organization composed of UPLB students from San Pablo City.

"Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan", isinasabuhay o hanggang salita na lamang ba?Nagkaroon ng paggunita ng Araw n...
31/08/2026

"Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan", isinasabuhay o hanggang salita na lamang ba?

Nagkaroon ng paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani nitong Aug 31, 2026 sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Nasabi ng ating pangulo na patuloy natin gunitain at alalahanin ang mga bayani ng nakaraan sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pagseserbisyo at pagsasabuhay ng kanilang pagmamahal sa ating bayan. Patuloy natin ginugunita ang mga bayani na nagsakripisyo para sa bayan natin noong unang panahon pero paano naman ang mga makabagong bayani ng kasalukuyan?

Marami pa ring manggagawang Pilipino ang araw-araw na kumakayod nang higit sa sapat, ngunit patuloy na pinagkakaitan ng sahod at benepisyong sapat upang mamuhay nang marangal. Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, renta, at iba pang pangunahing pangangailangan, kahit maliit na dagdag sa kanilang kita ay kinakailangan pang ipaglaban.

Sa NCR, ang ₱85 na dagdag-sahod sa ilalim ng Wage Order No. 27 ay naharap pa sa pagsuspinde matapos itong pigilan ng Pasig Regional Trial Court—isang desisyong inapela ng Department of Labor and Employment hanggang sa Korte Suprema. Sa halagang para sa ilan ay tila maliit lamang, nakasalalay para sa maraming manggagawa ang dagdag na pagkain sa hapag, pamasahe pauwi, gamot, matrikula, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kung sila ang tinatawag nating mga “bagong bayani,” bakit kailangan pa nilang ipaglaban ang karapatang mabuhay nang disente?

Bilang mga kabataan, gamitin natin ang ating kaalaman, tinig, at social media upang magmulat at makiisa. Kaisa ang KAPWA sa UPLB sa paggunita ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan noon, at sa mga makabagong bayaning patuloy na lumalaban ngayon.

Damhin ang tunay na diwa ng kabayanihan. Ipakita ang tunay na lakas ng sambayanang Pilipino!






References:
https://pia.gov.ph/press-release/nation-commemorates-national-heroes-day-2026/
https://www.manilatimes.net/2026/08/31/news/marcos-leads-commemoration-of-national-heroes-day/2414802

https://newsinfo.inquirer.net/2286203/dole-seeks-to-lift-injunction-vs-p85-ncr-wage-hike

https://www.pna.gov.ph/articles/1282919

Kapag binansagang “terorista” ang journalist dahil sa kritikal na ulat, hindi na ito simpleng disagreement—panunupil na ...
30/08/2026

Kapag binansagang “terorista” ang journalist dahil sa kritikal na ulat, hindi na ito simpleng disagreement—panunupil na ito.

Mariing kinokondena ng KAPWA sa UPLB ang paglalagay sa panganib ng mga mamamahayag. Sa ilalim ng Campus Journalism Act of 1991, dapat itaguyod at protektahan ang kalayaan ng pamamahayag kahit sa antas ng campus. Ayon sa 2025 report ng Center for Media Freedom and Responsibility, 184 media attacks ang naitala mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 30, 2025—kabilang ang 48 kaso ng red-tagging at 78 na kinasasangkutan ng state actors.

Hindi salita lamang ang red-tagging, online targeting, at harassment. Lumilikha ang mga ito ng takot, nagtutulak sa self-censorship, at inilalayo ang publiko sa impormasyong kailangan upang magtanong at maningil ng pananagutan.

Ngayong National Press Freedom Day—ating panawagan na patuloy na tumindig laban sa panunupil at pagpapa tahimik sa ating mga mamamahayag. Itigil ang red-tagging, pagbabanta, at harassment; imbestigahan ang mga banta; panagutin ang mga nang-aabuso; at wakasan ang impunidad. Huwag tayong manahimik. Ang press freedom ay hindi pabor na maaaring bawiin ng nasa kapangyarihan—karapatan ito ng lahat.


Sa bisa ng Republic Act No. 11699 ay ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Agosto ang National Press Freedom Day bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar.






Mga Sanggunian
CMFR Staff. (2025, May 3). The state of media freedom in the Philippines 2025. Center for Media Freedom and Responsibilty. https://cmfr-phil.org/press-freedom-protection/press-freedom/the-state-of-media-freedom-in-the-philippines/

Republic Act No. 7079, § 2 (1991). AN ACT PROVIDING FOR THE DEVELOPMENT AND PROMOTION OF CAMPUS JOURNALISM AND FOR OTHER PURPOSES. https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7079_1991.html

Republic Act No. 11699 (2022). An act declaring August 30 of every year as “National Press Freedom Day” and for other purposes, § 1 (2022). https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2022/ra_11699_2022.html

“Alam mo ba na ang August 27 ay World Lake Day?”Ngayong araw, nakikiisa ang Kapatirang Pitong Lawa sa UP Los Baños sa pa...
27/08/2026

“Alam mo ba na ang August 27 ay World Lake Day?”

Ngayong araw, nakikiisa ang Kapatirang Pitong Lawa sa UP Los Baños sa pandaigdigang panawagan para sa pangangalaga ng mga lawa at ng mga kabuhayang nakasalalay sa mga ito.

Sa San Pablo, Laguna, ang Sampaloc, Yambo, Pandin, Calibato, Palakpakin, Bunot, at Mohicap ay hindi lamang tanawin. Nagbibigay ang mga ito ng pagkain, kabuhayan, turismo, at tubig sa mga komunidad.

Sa tala ng lungsod noong 2013, may 408 rehistradong fish-cage farmers/operators sa Pitong Lawa, habang mahigit 1.3 milyong kilo ng isda ang naitala sa Sampaloc lamang.

Sa World Lake Day, alagaan natin ang Pitong Lawa dahil ang pagprotekta sa lawa ay pagprotekta sa buhay at kabuhayan ng San Pablo.






Mga Sanggunian
City Government of San Pablo City, City Planning and Development Office. (2015). Comprehensive land use plan of San Pablo City 2015–2025: Volume 3, Sectoral studies.
Perez, M. G. L. D., Macandog, D. M., Nacorda, H. M. E., Sanchez, P. A. J., Predo, C. D., & Settele, J. (2023). Estimating the recreational benefits of Lake Pandin as a tourism destination in San Pablo City, Laguna, Philippines. Science and Engineering Journal, 16(Supplement), 27–36.
Perez, T., & Claveria, R. J. (2013). Seven lakes research program updates. In M. L. C. Aralar et al. (Eds.), LakeCon2011: Building on the pillars of integrated lake basin management (pp. 306–307). PCAARRD-DOST.
United Nations. (n.d.). World Lake Day. Retrieved August 27, 2026, from https://www.un.org/en/node/225233

🚨 𝗦𝗣𝗜𝗗𝗘𝗬 𝗦𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦: 𝗥𝗘-𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘𝗗! 🚨 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗟 𝗜𝗦 𝗦𝗧𝗜𝗟𝗟 𝗢𝗣𝗘𝗡! 🕸️✨Didn't make it to the first drop? Don't stress out, 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-...
26/08/2026

🚨 𝗦𝗣𝗜𝗗𝗘𝗬 𝗦𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦: 𝗥𝗘-𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘𝗗! 🚨 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗟 𝗜𝗦 𝗦𝗧𝗜𝗟𝗟 𝗢𝗣𝗘𝗡! 🕸️✨

Didn't make it to the first drop? Don't stress out, 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮 is giving you a second chance! 💥

The 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐔𝐏 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 is holding a 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 for everyone who missed out, got caught up with acads, or is still looking for their crew this sem! 💙💛

Across every universe, no hero makes it through UPLB alone. ✨ Whether you're a freshie still finding your footing or an upperclassman looking for a real home on campus, 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲’𝘀 𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹 𝗮 𝘀𝗽𝗼𝘁 𝘀𝗮𝘃𝗲𝗱 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂 𝗼𝗻 𝗼𝘂𝗿 𝘄𝗲𝗯. 🏡🕷️🕸️

𝐒𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐔𝐒, 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐊𝐀𝐏𝐖𝐀𝐭𝐢𝐝𝐬! 👀

📅 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔
⏰ 𝟕:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍 𝐆𝐨𝐨𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐞𝐞𝐭
🔗 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗿𝗲: https://forms.gle/zK6Skbe75n1yTGkH9




🚨 𝗦𝗣𝗜𝗗𝗘𝗬 𝗦𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦: 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘𝗗. 🚨𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔-𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗜𝗧𝗦. 🕸️🔥The signal has been sent! And now, the 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐰𝐚 𝐬...
25/08/2026

🚨 𝗦𝗣𝗜𝗗𝗘𝗬 𝗦𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦: 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘𝗗. 🚨𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔-𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗜𝗧𝗦. 🕸️🔥

The signal has been sent! And now, the 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐔𝐏 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 invites you to step into the 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮 for our 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙎𝙚𝙢𝙚𝙨𝙩𝙚𝙧 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣! 💙💛

Across every universe, there are people who make a place feel like home. ✨ Here at 𝐊𝐀𝐏𝐖𝐀 𝐬𝐚 𝐔𝐏𝐋𝐁, you might just find yours. 🏡🥰 Whether you’re seasoned or a new variant looking for where you fit, 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲’𝘀 𝗮 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂 𝗼𝗻 𝗼𝘂𝗿 𝘄𝗲𝗯. 🕷️🕸️

𝐖𝐄’𝐋𝐋 𝐒𝐄𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓, 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐊𝐀𝐏𝐖𝐀𝐭𝐢𝐝𝐬!👀

📅 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
⏰ 𝟕:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍 𝐁𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐛𝐚𝐫 (formerly known as 𝐈𝐂’𝐬)
🔗 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗿𝗲: https://forms.gle/zK6Skbe75n1yTGkH9




1️⃣ 𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗚𝗢 𝗕𝗘𝗙𝗢𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗟 𝗧𝗢 𝗧𝗛𝗘 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔-𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗦! 🚪 🕸️The countdown is almost over! ⌛Just 𝐎𝐍𝐄 𝐃𝐀𝐘 left before th...
24/08/2026

1️⃣ 𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗚𝗢 𝗕𝗘𝗙𝗢𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗟 𝗧𝗢 𝗧𝗛𝗘 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔-𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗦! 🚪 🕸️

The countdown is almost over! ⌛Just 𝐎𝐍𝐄 𝐃𝐀𝐘 left before the 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮 swings into action! 💙💛

Behind this portal awaits a place where you can 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐛𝐥𝐞ñ𝐨𝐬, 𝐟𝐢𝐧𝐝 𝐟𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢𝐚𝐫 𝐟𝐚𝐜𝐞𝐬, and 𝐦𝐚𝐤𝐞 𝐧𝐞𝐰 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 here at UPLB, your 𝗛𝗼𝗺𝗲 𝗔𝘄𝗮𝘆 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗛𝗼𝗺𝗲. 🏡✨

Get your 𝕤𝕡𝕚𝕕𝕖𝕪 𝕤𝕖𝕟𝕤𝕖𝕤 🕸️ tingling, because tomorrow (𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟱), we’re opening the doors to a 𝐰𝐡𝐨𝐥𝐞 𝐧𝐞𝐰 𝐰𝐞𝐛 𝐨𝐟 𝐜𝐨𝐧𝐧𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬.🕷️🤩

𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗧𝗘!

📅 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
⏰ 𝟕:𝟎𝟎𝐩𝐦
📍 𝐁𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐛𝐚𝐫 (formerly known as 𝐈𝐂’𝐬)
🔗 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗿𝗲: https://forms.gle/zK6Skbe75n1yTGkH9




𝐓𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐧𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫-𝐥𝐨𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐋 𝐠𝐫𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐰𝐡𝐨 𝐬𝐞𝐞𝐦𝐬 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐥 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐠𝐞𝐭 𝐭𝐨 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐡𝐢𝐦. 🤪𝐒𝐞𝐛 is the type to keep t...
24/08/2026

𝐓𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐧𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫-𝐥𝐨𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐋 𝐠𝐫𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐰𝐡𝐨 𝐬𝐞𝐞𝐦𝐬 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐥 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐠𝐞𝐭 𝐭𝐨 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐡𝐢𝐦. 🤪

𝐒𝐞𝐛 is the type to keep things lowkey when you first meet him, but once he gets comfortable, his real side comes out. 😁🔥 He’s happiest when he’s rocking a fresh pair of kicks 👟, hitting the court for a game of basketball 🏀, or grinding rank on Mobile Legends late at the night. 🎮⚡

​People might mistake him for being shy, but he’s actually super fun to hang out with. Beyond his funny side is a responsible leader as well. #𝘋𝘢𝘻𝘻𝘖𝘶𝘳37𝘵𝘩𝘈𝘶𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳! 🔥🫡 𝐒𝐞𝐛 is also a reliable and solid friend, always keeping it real and staying dependable whenever you need him. 👾

​Happiest birthday, 𝐒𝐞𝐛! 🥳 KAPWAtids wish you all the best! May your day be filled with endless ML win streaks, and great times with the people around you! 💙💛
_______________________________________________________________

“Happy birthday, Nak! 🥳🎉 Wish ko for you is to stay happy and inspired 🫨 sa acads and sa pagiging predecessor(!?) as auditor hehe. Hanga ako sa hardwork, attitude, and faith na meron ka— parang natural na sayo eh 😏🙏 Buti ako pinili mong ninong, naging masmasaya ang stay ko sa Kapwa dahil doon. 🤩 Thank you sa pagiging solid na room mate, mamaya baka naman HAHAHA jk. More ml and sana makapag bball na 🏀 HAPPY BDAY ULITTT!” -Rovic




Caption by: Alessandra Yuson
Layout by: CJ Flor

“𝙏𝙝𝙚 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙞𝙨 𝙬𝙤𝙧𝙩𝙝 𝙙𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧”   Kaisa ang Kapatirang Pitong Lawa sa UP Los Baños sa paggunita ngayong araw ng ika-43...
21/08/2026

“𝙏𝙝𝙚 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙞𝙨 𝙬𝙤𝙧𝙩𝙝 𝙙𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧”

Kaisa ang Kapatirang Pitong Lawa sa UP Los Baños sa paggunita ngayong araw ng ika-43 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.—isa sa mga martir na sumalag sa paghahari ng diktadurang Marcos noong panahon ng Batas Militar. Makalipas ang ilang dekada, tila lingid pa rin sa kaalaman ng maraming Pilipino kung bakit mahalagang patuloy na alalahanin ang kanyang pagkamatay at ang madilim na yugto ng kasaysayang kanyang kinaharap. Ito ay pag-aalaala na ‘di dapat mabura sapagkat nakaukit sa kuwentong ito ang pakikibaka ng sambayanan upang muling makamtan ang demokrasya.

Kilala si Aquino bilang isa sa mga lantarang nagsiwalat ng mga katiwalian at pang-aabuso sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., katulad na lang ng paggamit ng armas at pagbili ng boto ng taumbayan sa eleksyon noong 1967. Binalaan niya rin ang mga Pilipino sa maaaring kahinatnan ng bansa kung ito ay pangungunahan ng isang diktaduryang militar. Higit sa lahat, hindi rin niya pinalagpas ang labis na paglustay ng gobyerno sa kaban ng bayan para sa mga proyekto tulad ng San Juanico Bridge at Cultural Center of the Philippines bilang handog sa asawa ng pangulo na si First Lady Imelda Marcos.

Bago pa man ang makasaysayang kuwento ni Aquino bilang martir ng batas ng militar, siya rin noo’y batang mamamahayag at naging “youngest war correspondent” ng Manila Times, sa edad na 17, at buong tapang na tumutok at naglathala sa naganap na Korean War (Ateneo Martial Law Museum, n.d.). Kinalaunan, nang ideklara ang Martial Law noong 1972, ang noo’y Senador Aquino ay inaresto at inakusahan ng subversion, murder, at illegal possession of fi****ms sa ilalim ng rehimeng Marcos. Matapos maging bilanggong politikal sa loob ng pitong taon, siya ay napahintulutang lisanin ang bansa para sa medical exile noong 1980.

Sa kabila ng kaniyang exile, hindi nawala sa halagahin ni Aquino ang pagtuligsa sa politikal na estado ng bansa. Kung tutuusin, may laya siyang pumili na manatili na lamang sa ibang bansa at manahimik. Ngunit noong taong 1983, pinili niyang bumalik sa kabila ng umaapaw na banta sa kanyang buhay. At bago pa man muling makatapak si Aquino sa kanyang bayang sinilangan, binitawan niya ang mga katagang: “𝙏𝙝𝙚 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙞𝙨 𝙬𝙤𝙧𝙩𝙝 𝙙𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧”

Ang pagkawala ni Aquino ang naging mitsa ng makasaysayang 1986 People Power Revolution, na siyang nagtulak upang masibak sa puwesto si Pangulong Marcos Sr. at tuldukan ang diktadurang pamamalakad nito sa bansa. Ang pagiging martir ni Aquino ang naglipat ng pahina sa panibagong kabanata ng ating kasaysayan.

Ngayong talamak muli ang katiwalian sa pamahalaan, panunupil sa mga mamamahayag, maimpluwensyang militarisasyon, at ang lantarang pagnanakaw sa kaban ng taong-bayan, marapat lamang na hindi ibaon sa limot ang kuwento ng mga martir na minsang nagbuwis ng kanilang mga buhay upang ating makamtan ang kasarinlang ating tinatamasa sa makabagong henerasyon. Gayundin, hindi nakakulong sa pagbubuwis ng buhay ang ating kakayahan na ipaglaban ang tunay na ngalan ng demokrasya ng ating bansa. Maaari itong magsimula sa pakikialam, pakikibahagi, at hindi pagkalimot sa huwad na nakaraan – sapagkat ang tunay na kalayaan ng bansa ay nagsisimula sa kalayaan ng mga tao sa hirap at intensyonal na pagpapahirap ng gobyerno sa sambayanan.



𝙀𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙝𝙚𝙧𝙤 𝙣𝙚𝙚𝙙𝙨 𝙩𝙝𝙚𝙞𝙧 𝙢𝙪𝙡𝙩𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙚. 🦸‍♀️ Are you ready to jump into the 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮? ❤️‍🔥🕸️Meet your variants from across...
18/08/2026

𝙀𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙝𝙚𝙧𝙤 𝙣𝙚𝙚𝙙𝙨 𝙩𝙝𝙚𝙞𝙧 𝙢𝙪𝙡𝙩𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙚. 🦸‍♀️ Are you ready to jump into the 𝓚𝓐𝓟𝓦𝓐-𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮? ❤️‍🔥🕸️

Meet your variants from across San Pablo City 🌴 to UPLB campus 📚. Get to know 𝐊𝐀𝐏𝐖𝐀 𝐬𝐚 𝐔𝐏𝐋𝐁 at the official 𝟏𝐬𝐭 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. 💙💛

📅 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
⏰ 𝟕:𝟎𝟎𝐩𝐦
📍 𝐁𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐛𝐚𝐫 (formerly known as 𝐈𝐂’𝐬)

𝗜𝗳 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀𝘁𝗲𝗱, 𝗸𝗶𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗳𝗶𝗹𝗹 𝘂𝗽 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿𝗺: https://forms.gle/zK6Skbe75n1yTGkH9

See you there! 👀🤩 𝗙𝗿𝗲𝗲 𝗗𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁 𝟯𝟱 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗼𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗲𝗲𝘀🤤 It is your time to officially find 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐀𝐰𝐚𝐲 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐇𝐨𝐦𝐞!🕷️🌟



13/08/2026

𝐍𝐨𝐭 𝐚 𝐠𝐥𝐢𝐭𝐜𝐡. 𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐚 𝐬𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥. 🕷️👀

Something is spinning behind the scenes for San Pableños. 🕸️❤️‍🔥Something special in the dark 🖤, where 𝐡𝐨𝐦𝐞 𝐚𝐰𝐚𝐲 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐡𝐨𝐦𝐞 𝐚𝐰𝐚𝐢𝐭𝐬… 🏠💙💛



Address

San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAPWA sa UPLB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share