Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom

Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom Mga sulat, larawan, pelikula, at iba pang malikhaing gawa. Isang espasyo para sa paningin, pangarap, at paggaling sa pamamagitan ng sining.

Tula noong Mayo, tula pa rin ngayong Agosto!Baha noon hanggang ngayon.Arjanmar H. Rebeta
18/08/2026

Tula noong Mayo, tula pa rin ngayong Agosto!
Baha noon hanggang ngayon.

Arjanmar H. Rebeta

CONFIDENTIAL NAMES IN BIRINGAN CITYMay bilihan ng pangalansa Biringan.Doon ipinadadalang mga magnanakawang kanilang mga ...
04/08/2026

CONFIDENTIAL NAMES IN BIRINGAN CITY

May bilihan ng pangalan
sa Biringan.

Doon ipinadadala
ng mga magnanakaw
ang kanilang mga galamay

upang umarkila
ng mga pangalang
ilalagay sa resibo.

Kapag kailangan
ng confidential names,

tumungo sa Biringan.

Kapag kailangan
ng flying voters,

tumungo sa Biringan.

Kapag kailangan
ng ghost employees,

tumungo sa Biringan.

Kapag gagawa
ng ghost project,

itayo sa Biringan.

Kapag nagkabistuhan,

ituro ang Biringan.

Nasaan ba
ang Biringan?

Ewan.

Kaya nga
walang maparusahan.

Confidential place
NGANIIIII!!!!

Arjanmar H. Rebeta

ALEX EALA, THE GIANTKILLERAlex Eala,nag-iisa.Subalit dambuhalaang suporta.Sa bawat palo,sambayananang nakikipalo.Panalo....
04/08/2026

ALEX EALA, THE GIANTKILLER

Alex Eala,
nag-iisa.

Subalit dambuhala
ang suporta.

Sa bawat palo,
sambayanan
ang nakikipalo.

Panalo.

Pinataob,
Olympic medalists.

Pinatumba,
multiple-time
Grand Slam champions.

Pinalubog,
mga top seeds.

Pinadapa,
mga Top 10 sa mundo.

Pinalitan,
mga dati
at defending champions.

Ngunit
kahit gaano
kalakas ang suporta,

si Alex pa rin
ang humawak
ng raketa.

Kaya nararapat
ang pagpupugay

sa isang munting Pilipinang
may higanteng pangarap.

Arjanmar H. Rebeta

ALEX EFFECTPanahon ni Pacquiao,nagkakaisa ang bayansa bawat niyang laban.Tumatahimik ang kalsada.Pati ang kasamaan,tila ...
04/08/2026

ALEX EFFECT

Panahon ni Pacquiao,

nagkakaisa ang bayan
sa bawat niyang laban.

Tumatahimik ang kalsada.

Pati ang kasamaan,
tila nakikinood.

Panahon ngayon ni Alex,

nagdiriwang ang bayan
sa kanyang tagumpay.

Maingay ang social media.

Umaapaw ang tuwa.

Sa gitna ng dilim
na dulot ng nakawan,
sigalot,
at patayan,

may isang bulaklak
na namukadkad,

naghahasik ng galak,
pag-asa,
at dangal
ng pagka-Pilipino.

Sa panahong
watak ang bayan,

may isang laban
na nagdurugtong.

Sa panahong
bagsak ang moral,

ang tagumpay
ng isang kababayan

ay tagumpay
ng sambayanan.

Arjanmar H. Rebeta

ALEX EALA, KAMPEON NG MUBADALATuluyan nang namukadkadang sampagitasa Washington, D.C.Pinataob angOlympic gold medalist,d...
03/08/2026

ALEX EALA, KAMPEON NG MUBADALA

Tuluyan nang namukadkad
ang sampagita
sa Washington, D.C.

Pinataob ang
Olympic gold medalist,
defending champion,
World No. 10,
Grand Slam champion,
at World No. 3
na siya ring top seed.

Mula sa Wala,
ngayon ay Eala!

Bagong kampeon.
Isang Filipina!

Nagsisimula pa lamang
ang pagbilang
ng marami pang
kampeonato.

Tunay ngang,
“Lumalago
ang hindi humihinto.”

Arjanmar H. Rebeta

PINALUHOD NA G**OIsang g**o ang nagbantana magbibigay ng gantimpalana limampung milyong pisosa makakapatay sa pangulo.Ag...
21/07/2026

PINALUHOD NA G**O

Isang g**o ang nagbanta
na magbibigay ng gantimpala
na limampung milyong piso
sa makakapatay sa pangulo.

Agad dinakip.
Kinulong
nang walang warrant.

Mukhang biro.
Masamang biro.

Saan kukuha
ng limampung milyon
ang isang g**o
sa pampublikong paaralan?

May confidential fund kaya siya?

Samantala,

isang pinuno,
pangalawa sa pangulo,
anak ng dating pinagbantaan,

ngayon naman
nagbanta
sa nakatataas sa kanya.

Kung ang una
ay magbibigay ng gantimpala,

ang pangalawa
ay umupa ng hitman.

"No joke. No joke."
aniya pa.

Ngunit

kung ang g**o,
pinaluhod
habang nagmamakaawa
at humihingi ng tawad,

ang pangalawa,
may puwesto,
may pondo,

nanatiling nakaupo.

Arjanmar H. Rebeta

ISANDAANG MAKUKULAY NA iPHONESMay isandaang makukulay na iPhones,pinapain sa mga tagasunod.Milyon-milyonang kumakagat sa...
18/07/2026

ISANDAANG MAKUKULAY NA iPHONES

May isandaang makukulay na iPhones,
pinapain sa mga tagasunod.

Milyon-milyon
ang kumakagat sa pain.
Sinusugal ang sarili
para mapili.

Hindi pa man nagsisimula,
Atensyon na ang naipusta.

Nagbabalatkayo ang sugal.
Kunwari'y tulong ang bigay.
Subalit, kumunoy pala ito
na hihila pailalim
kapag lulong ka na.

Tulong
patungo sa
pagkalulong.

Droga ang sugal.
Nakakaadik.
Nakakalason.
Nakapagdudulot ng kahirapan.

Isa ngang kababayan
nalulong sa sugal,
nabaon sa utang,
napilitang magnakaw,
nakapatay.

Buhay ang natapon.
Ang ninakaw niya pala,
isa ring iPhone.

Umiikot ang gulong
ng pagkalulong.

May pusher ang droga.
May promoter ang sugal.
Parehong may mastermind
na siyang dapat
unang papanagutin.

Hindi laging
malalim ang ugat
ng pagkalulong.
Minsan,
nagsisimula ito
sa isang simpleng
promotion.

Arjanmar H. Rebeta

Ibang Iva Na ang pag-promote ng sugal ngayon.
17/07/2026

Ibang Iva Na ang pag-promote ng sugal ngayon.

Pag abogado ba, hindi na magkakasala?Pag first taker ba, hindi na magkakamali?Pag 80% ba ang napasang grado,100% na bang...
14/07/2026

Pag abogado ba, hindi na magkakasala?
Pag first taker ba, hindi na magkakamali?
Pag 80% ba ang napasang grado,
100% na bang laging tama at sigurado?

Arjanmar H. Rebeta

PHOTOCOPYPare-pareho ang apelyidosa mga mesa ng bayankahit ilang halalanpa ang nagdaan,kopyang-kopya ang latag ng mga le...
08/07/2026

PHOTOCOPY

Pare-pareho ang apelyido
sa mga mesa ng bayan
kahit ilang halalan
pa ang nagdaan,
kopyang-kopya
ang latag ng mga letra.

Nag-ugat sa ama.
Pinalaking dinastiya.

Kopyado ang
pamamaraan,
karahasan,
maging pagnanakaw.

Alin ang tunay,
o photocopied?

Hindi na mapagkaiba.

Mula sa puno,
naging puno na rin
ang bunga.
Magkatabi na silang namumuno.
Sa ilalim,
ugat ang pinapalago.

‘Di pa man pitas ang bunga,
bulok na ang sistema.

Maging sa paglilitis
sabay na dinidinig.

Orihinal.
Duplikado.
Replikado.

Lahat.
Certified True
Photocopied.

Arjanmar H. Rebeta

Address

San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hiling: Pagtanaw, Paghangad at Paghilom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category