21/07/2026
Magandang araw po sa !
Mayroon po tayong bumabang mga pangalan para makatanggap ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa mga magsasaka na may area na 2.0 hectares pababa. Ibababa ko po ang inyong mga claiming stub sa July 23, 2026 (Huwebes) sa Brgy. Hall ng SN3, 9:30 AM. Magdala po kayo ng inyong Govt. Issued ID (Original at 1 Photocopy w/ 3 specimen signature) para sa verification process.
Mahalagang Paalala:
1. Ito po ay tulong pinansyal mula sa Tanggapang ng Pangulo. Hindi po ito katulad ng 5k-7k na ibinaba noong mga nakaraang cropping na mula nmn sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
2. Sa mga may area po ng 2.0 hectares pababa na wala sa listahan at hindi residente ng SN3, makipag-ugnayan po kayo sa Technician ng Brgy. kung saan kayo naninirahan.
3. Sa mga may pangalan po sa listahan na bed ridden at patay na, ang kanila pong ayuda ay maaring makuha ng pinakamalapit na kamag-anak lamang (asawa/anak/kapatid). Kasama din po ang pinakamalapit na kamag anak na ito sa pupunta para kunin ang claiming stub ng inyong kaanak sa petsang nabanggit sa itaas at ipapaliwanag ko din po sa inyo ang mga requirements na kailangan nyong dalin para sa araw ng pay-out.
4. Pumila po ng naayon sa unang letra ng inyong apelyido para sa mas mabilis na proseso.
A-C
D J
K-M
N-Z
5. Sa mga hindi po makakapunta para kumuha ng claiming stub, wala po aq sa July 24, 2026. Magpunta na lang po kayo sa lunes July 27 sa opisina.
6. Sa mga pangalan po na may nakasulat sa remarks, sa opisina po kayo pupunta para kunin ang inyong claiming stub sa Lunes, July 27.
7.Basahin at unawin po ang aking mensahe. Kung may katanungan, mag tawagan, itext o i-pm nyo po aq. Maraming salamat poš