Laya

Laya palayain —

mas magaan ba kapag wala na ako?mas magaan ba kapag hindi na tayo magkausap at wala na ako sa tabi mo?
25/05/2025

mas magaan ba kapag wala na ako?
mas magaan ba kapag hindi na tayo magkausap at wala na ako sa tabi mo?

pitong taong gulang ako,at magaling daw ako,palagi kong naririnig mula sa mga taongunit mula noon,alam kong dala ko na r...
02/05/2025

pitong taong gulang ako,
at
magaling daw ako,
palagi kong naririnig mula sa mga tao

ngunit mula noon,
alam kong dala ko na rin ang bigat na hindi ko dapat biguin ang mundo
maraming nakapatong sa balikat ko

palagi kasi akong panalo

minsan,hindi alam ng mga tao ang sugat na patuloy nilang minamarkahindi sa pamamagitan ng kutsilyo at kung anu-ano pa, k...
30/04/2025

minsan,
hindi alam ng mga tao ang sugat na patuloy nilang minamarka

hindi sa pamamagitan ng kutsilyo at kung anu-ano pa, kundi sa pamamagitan ng mga salita

hinahanap kitapalagi, sa lahat ng panahonsaan man ako pumuntaang iyong mga mata sa gitna ng madla,wala pa ring papalit s...
30/04/2025

hinahanap kita

palagi, sa lahat ng panahon
saan man ako pumunta

ang iyong mga mata sa gitna ng madla,
wala pa ring papalit sayo,
maraming tao man ang makasalamuha

ang mga kamay mo, kahit na magulo ang buhay,
ayos lamang, basta ikaw ang kasabay

at lalo na, ang iyong pagmamahal.

ikaw? ano ang pangarap mo?ako kasi lumalaki ako na palagi sa aking sinasabi na bagay raw sa akin maging isang abogada, o...
30/04/2025

ikaw? ano ang pangarap mo?

ako kasi lumalaki ako na palagi sa aking sinasabi na bagay raw sa akin maging isang abogada, o kaya doktor ng medisina.
mga pangarap na matatayog at mga kursong sikat sa mga unibersidad.

pero bata pa lang ako, alam kong isang papel at isang panulat lamang ang kailangan ko.
at magiging masaya ako rito.
oo, pangarap kong maging manunulat.

kaya lang, hindi ito ang kailangan ng lahat.
hindi ata praktikal na sundin palagi ang puso,
kaya't itinigil ko ang pangarap na ito

at habang lumalaki ako, alam kong iba na rin ang dapat na tuon ng atensiyon ko.
sige, magiging abogado ako.

pero ang totoo, sa kalooban ko
mananatili pa rin ang mga letra, kanta, at maging mga parirala.
mananatiling multo na hahabulin ako

galit ako sa mundong nagparamdam sayo na mahirap kang mahalinmga taong nagsabing may mali sa kung sino ka.dahil sa totoo...
30/04/2025

galit ako sa mundong nagparamdam sayo na mahirap kang mahalin
mga taong nagsabing may mali sa kung sino ka.

dahil sa totoo lang,

bawat parte na mayroon ka, may sugat man o wala, lahat ito'y maganda.
may istorya, hindi patungkol sa sakit kundi patungkol sa pagpapatuloy.

kamahal mahal ka,
hindi dahil perpekto ka,
kundi dahil ikaw ay kakaiba




laya —maraming nagtatanong kung nakalaya na nga balaya saan?sa mga pangarap na hindi ko nahagkan?mga boses sa isipan?at ...
30/04/2025

laya —

maraming nagtatanong kung nakalaya na nga ba

laya saan?
sa mga pangarap na hindi ko nahagkan?
mga boses sa isipan?
at sa mga bagay na hindi naging ako ilang taon ang nagdaan?

sa lahat ng ito,

nakakulong pa ako
nasa loob ng rehas at hindi makakibo.

Address

Ragay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category