16/03/2026
695 pesos per day ang sahod nya..
senior high school graduate pa sya..
tapos karamihan sa inyo di umabot..
o hindi nakatapos ng elementarya?
masama pa sa loob nyo ang 700 na kita?
samantalang sila, may kaltas taxes pa..
nagrereklamo pa kayo sa kinikita nyo?
ano bang natapos nyo para magreklamo?
ginusto nyo ang trabahong yan..
kasi nga, wala kayong mapuntahan..
maaring dahil kulang sa qualification..
dahil mababa ang inabot ng edukasyon.
trabahong pina*ok nyo ay pribilihiyo..
di regular o permanenteng trabaho..
depende sa inyo, hawak nyo oras nyo..
ngayon, bakit kayo puro reklamo?
kung walang kinikita, lumipat ka..
kung mababa ang sahod, hanap ng iba..
ganun lang yun @ wala ng iba..
ginusto mo yan e, pinilit ka ba?
karamihan pa sa inyo ay hindi papasa..
sa LTO License Exam para sa lisensya..
@ karamihan pa sa fixers dumaan..
nagkalisensya na walang alam sa daan.
kaya ang kakapal ng mukha nyo..
para umastang kayo'y agrabyado..
kasi karamihan din sa mananakay..
walang idea @ sakay lang ng sakay.
maganda siguro ibahin na natin..
senior high graduate ang hanapin..
mga mag-a-apply bilang driver..
sa public transportation next year.
@ ito namang mga drivers na dati na..
i-assess @ i-evaluate ulit lahat sila..
di porque matagal na silang may lisensya..
e totoong calificado na talaga sila.
kaya mabuti talagang i-phased out na..
nang lahat na ay makapag-umpisa..
nang bagong calificacion @ patakaran..
na dapat din para sa bagong sasakyan.
dahil itong mga traditional ay mausok..
sabi nila, aayusin pero di sumusunod..
pinayagan na nga silang bumyahe..
pangakong pagbabago ay sinantabi.
kaya hanggang ngayon, namamayagpag..
jeep na maiingay, mauusok @ masisipag..
bumusina @ pumarada ng pabalagbag..
mga pasaway buong araw @ magdamag.
hangga't traditional jeepneys naandyan..
hindi mawawala mga style ng mga yan..
dapat style ng sistema nila ay patayin..
kaya traditional jeepneys dapat nang katayin.
kapag traditional jeepneys wala na..
malaking bawas traffic sa kalsada..
buses @ taxis na lang ang problema..
na mga pasaway din @ walang disiplina.
tamang-tama sa pagmahal ng krudo..
mga EVs dapat nang tangkilikin ng tao..
kaya namansana ay gawin ng gobyerno..
maging abot-kaya @ mababa ang presyo.
kaya ng gobyerno kung gugustuhin..
basta't political will lang ay pairalin..
pag gusto, maraming pwedeng sakyan..
pag ayaw, ayuda ang laging kasagutan?π