29/09/2026
Nakabinbin (SHORTS C - CinePanalo 2026)
Written & Directed by: Carlo Malapit Gula
Simula nung nakatutok na ang kamera kay Soliman Cruz, hindi ka na bibitaw. Sobrang sikip sa pakiramdam. Para kang nasa kulungan.
It’s suffocating. It’s hard to breathe. The atmosphere is consistently heavy and unsettling. The music heightens the fear and anxiety already present in the situation.
Soliman Cruz carries the film with all his might. His facial expressions alone carry so much weight. When he speaks, the impact is even greater.
Pwede siyang magwala anytime, kaya mas lalong nakakatakot at nakakakaba panoorin. Hindi mo alam kung kailan siya sasabog.
May impormasyon na pinakawalan at hindi na binalikan. May pagkakataon na pinagmumukha pa siyang mas kawawa kahit hindi na kailangan. Sa kabila ng mga iyon, nangibabaw pa rin ang hirap ng sitwasyon. Hindi mo siya masikmurang iniwanan. Gusto mo siyang tulungan. Ang sarap murahin ng mga taong nasa paligid niya.
Puro galit at inis ang madarama. Wala ni isang segundo na matatawa ka. Malinaw ang intensyon ng pelikula.
This is no laughing matter.
It needs to be taken seriously.
Patong-patong na ang mabibigat na emosyon. Hinihila ka nito pababa. Sa sobrang bigat at lalim, nasa hukay ka na ng sarili mong libingan.
Nakakatakot makita ang bangkay. Nakakakilabot marinig ang hagulgol. Hindi mo na rin alam kung ano ang dapat na gawin.
Para kang nakalambitin. Naghihintay ng pag-asa. Nag-aabang sa wala. Nakabinbin.
𝐍𝐀𝐊𝐀𝐁𝐈𝐍𝐁𝐈𝐍
Cast: Soliman Cruz
Presented by: Puregold CinePanalo
Release Date: September 23 - October 4, 2026 for Puregold CinePanalo
A Movie Review by: Goldwin Reviews