07/03/2026
Trust me. Bilog ang mundo.
Hindi habang buhay nasa ibaba ka.
Naalala ko lang way back 2018 nung time na nagwowork pa ako sa big company near Boni Station. Dahil nga fresh grad lang ako ay 14K lang ang offer sakin. Bilang isang probinsyano, sobrang proud ko na nun kasi nakapasok ako sa company na yun dahil out of 600+ applications sa jobstreet ako yung napili nila for the role.
Fast forward, so ito na nga dahil nga fresh grad ako at kakaluwas ko lang ng Maynila at that time, walang akong pera or savings man lang. Yung parents ko namn na tinutuluyan that is wala din siya maibigay. As sobrang hirap na hirap kami sa buhay.
Malapit na start date ko pero wala pa ako pera na allowance pamasahe at pagkain. Wala ako kakilala sa Maynila at kahit nga mga lugar dito di ko pa kabisado. Then, I reached to an old friend na kasama ko dati sa boarding house when I was in college pa nun sa province. I asked if pwede ba makahiram ng 1,500 para budget ko 1 month kasi normally hinohold nila yung first salary then sa 2nd payout kana sasahod.
Sadly, wala siya mapahiram dahil may una na daw siya napangakuan ng pera niya. Ang reaction ko, sumama talaga yung loob ko. Until now, bubog ko pa din siya. Kasi kahit pano nakasama ko siya nung mga hirap days namin at maswerte siya kasi nauna siya sa mga pinalad makapasok sa isang famous tech company that time.
So, start date ko na. Nangungutang lang yung tatay ko sa tindahan para maitawid yung pamasahe ko sa araw mula QC puntang Boni, Mandaluyong. Gigising ako ng 3:30 parang maligo, magkape at mag-saing. Wala din kasi laman yung lumang ref na bigay ng kapitbahay so walang ulam na maluluto. Buti nalang may extra pa para pambili ng ulam.
Una, grabe self pity talaga ako malala. Kasi isa siyang malaking corporate office tapos yung outfitan ko sa office naka V neck na tapos pants na luma. Wala talaga akong maayos na damit. May free uniform naman daw pero after 6months or 1 year depende sa schedule.
Isang morning. Kape lang talaga ang breakfast. Around 9AM naririnig pala ng katabing supervisor ko na kumukulo yung tiyan ko. Honestly, gutom talaga ako pero wala akong pera. Sabi niya at siguro akala niya workaholic lang akong kasi super busy busyhan ako, magmeryenda daw muna ako at kanina pa daw kumukulo ang tyan ko. Hindi naman para ipahiya ako pero yung feeling na mas nanliliit ka dahil di mo pa afford magmeryenda. Siyempre, di ko naman masabi na wala me budget, nagpaalam nalang ako na pupunta sa canteen sa taas pero ang totoo ay nagtago ako sa CR. Infairness, mabango lagi CR dun. May mga times pag feel ko tutunog or gutom na ako, uunahan ko na papaalam ako tapos tatago lang ako lagi sa CR. Ganun lang routine ko para kunware alam nila na nagmemeryenda ako.
Tapos tuwing lunch time, never talaga ako sumabay sa kanila. Sinasabi ko lang nahihiya ako. Pinapauna ko sila or kaya minsan sa desk sila kumakain. Tapos ako lagi ko lang order half gulay na 20 or half karne na 30 tapos madaming sabaw. Libre naman sabaw dun. Ganun lang routine ko sa unang dalawang buwan.
Hindi man exactly yung situation or experience natin pero I can relate dun sa culture na minsan ipapamukha sayo na yan lang yung afford mo. Na dapat sasabay ka sa uso para same level, same treatment. Hindi sa lahat ng offices nangyayare to, pero may iba talaga na ganito.
Kaya yung experience ko, isa siya mga experience na lagi ko sina-sariwa para mas maging aware ako lagi sa spending habits ko at reminder to be humble and kind.
Honestly, hindi siya lesson for me. I consider it as a “good trauma”. And mag-asawang sampal sakin na, masakit sa damdamin na mahirap ang buhay, pero mas masakit na may mga taong ipapamukha pa sayo kung gaano ka kahirap sa buhay. Bwisit, noh?
Pero sa kabilang banda, tandaan na “we are the leader of our own life”. If the universe is good to us and good options are there, then take it. Take and work on it.
Here are some lessons I am always grateful to be reminded of:
1. Savings will ALWAYS save you. Anuman mangyare sayo, siya ang unang magiging kakampi mo.
2. Hindi obligasyon ng mga kaibigan mo or kung sinumang tao na pautangin ka sa panahong gipit ka. Pera nila, desisyon nila. Kaya pag may pera ka, mas maging wais ka.
3. Bago ka maawa sa iba, maawa ka muna sa sarili mo. Check your finances kung bukas ba mawalan ka ng work, makakasurvive ka ng 1-3 months at may willing na tumulong sayo? Para maiwasan, go back to #1 & #2.
4. Surround yourself with people na same ng goals, mindset and interest. Kung hindi man, make sure na interested ka to learn from them. Your time is investment, invest it with good people.
5. Late gratification. Magtipid. Rewarding siya kung sasamahan mo ng #1.
If you will ask me, kamusta na ako ngayon? Looking back 8 years ago, ito ngayon. Surviving pa din pero malayo na kahit malayo pa.
Padayon lang. Hindi sa lahat ng oras nasa ganyang sitwasyon ka. ❤️