Buhay Koro

Buhay Koro The Official Page of the Koro ng IFI Laguna. Sharing our church music, photos, events and more.

𝑰𝒔𝒂𝒊𝒂𝒔 12:5𝑼𝒎𝒂𝒘𝒊𝒕 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒌𝒂𝒚 𝒀𝒂𝒉𝒘𝒆𝒉, 𝒔𝒂𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂-𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂, 𝒊𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒅...
01/11/2025

𝑰𝒔𝒂𝒊𝒂𝒔 12:5

𝑼𝒎𝒂𝒘𝒊𝒕 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒌𝒂𝒚 𝒀𝒂𝒉𝒘𝒆𝒉, 𝒔𝒂𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂-𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂, 𝒊𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒊𝒈𝒅𝒊𝒈.

Ang Parokya ng El Salvador del Mundo bayan ng Cavinti, Laguna ay muling nagaanyaya sa mga nais maging kabahagi ng mga MANG-AAWIT NI EL SALVADOR DEL MUNDO. Kaya tara na at maglingkod sa ating Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit ng mga papuri at pagsamba!

Sa mga nagnanais pong maging kasapi ng kanilang koro ay mag-message lang po sa mga sumusunod:

G. Morgan Titan at
G. John Wayne Cubo

Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Maykapal! 😇🙏🎼🎶🎵🎤

26/10/2025
26/10/2025
04/07/2025
12/06/2025

BAKIT NGA BA INAAWIT ANG LUPANG HINIRANG SA MISA NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE?

Isa sa naiibang kaugalian ng Iglesia Filipina Independiente ay ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa katapusan ng Banal ng Misa. Kasabay nito ay iwinawagayway ng Obispo o ng Paring namumuno sa pagsamba ang watawat ng Pilipinas.

Sa mga natatanging pagdiriwang katulad ng anibersaryo ng Simbahan, ang pag-awit ng lupang hinirang ay isinasabay sa pagtataas ng kalis at tinapay.

Ang kaugaliang ito ay paggunita sa katapangan at kabayanihan ng mga naunang kaparian sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, kung saan ay ipinatupad ang Philippine Commission Act 1696 o mas kilala bilang Flag Act (1907 - 1919) na nagbabawal sa pagsasabit ng watawat ng Pilipinas at ng mga sagisag ng Katipunan gayundin ang pag-awit at pagpapatugtog ng Pambansang Awit.

Ang batas na ito ay naglalayong burahin ang ningas at alab ng nasyonalismo at ang bakas ng rebulosyon sa mga Pilipino. Sa panahong ito, ang watawat ng Estados Unidos ang naging opisyal na watawat ng bansa.

Bilang tanda ng patuloy na pagsasabuhay ng damdaming makabayan at paghahangad ng kalayaan, ang mga kaparian ng Iglesia Filipina Independiente sa pangunguna ni Obispo Maximo Gregorio Aglipay ay buong tapang na nagsuot ng mga kasulyang pinalamutian ng mga sagisag at kulay ng watawat ng Pilipinas.

Ang huling dalawang talata naman ng Lupang Hinirang ay inaawit habang itinataas ng pari ang ostya at kalis.

Dahil dito hindi lubusang nabura ng mga Amerikano ang ningas ng Rebolusyon. Ang Iglesia Filipina Independiente ay patuloy na nanguna sa panawagan at pagsusulong ng Kalayaan para

Mabuhay ang Simbahang Makabayan! Mabuhay ang Simbahang Malaya! Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente!!!

----

Maligayang ika-127 taong anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas! 🇵🇭

✍️ IFI Page Gallery

12/06/2025

𝓥𝓲𝓿𝓪! 𝓑𝓲𝓻𝓱𝓮𝓷 𝓜𝓪𝓾𝓵𝓪𝔀𝓲𝓷! 🎼🎶🎵🎤🎹

Inawit ng Koro ng Katedral sa Pagtatalaga bilang Pambansang Dambana ng Birhen Maria Maulawin. Ginanap noong ika-26 ng Mayo, taong 2025 sa Iglesia Filipina Independiente, Katedral at Dambana ng Birhen Maria Maulawin, Santa Cruz, Laguna.

12/06/2025

𝐃𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐚 𝐌𝐨 𝐀𝐲 𝐈𝐭𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 🎼🎶🎵🎤🎹

Inawit ng Koro ng Katedral sa Pagtatalaga bilang Pambansang Dambana ng Birhen Maria Maulawin. Ginanap noong ika-26 ng Mayo, taong 2025 sa Iglesia Filipina Independiente, Katedral at Dambana ng Birhen Maria Maulawin, Santa Cruz, Laguna.

12/06/2025

𝕯𝖆𝖑𝖆𝖓𝖌𝖎𝖓 𝖐𝖆𝖞 𝕭𝖎𝖗𝖍𝖊𝖓 𝕸𝖆𝖗𝖎𝖆 𝕸𝖆𝖚𝖑𝖆𝖜𝖎𝖓 🎼🎶🎵🎤🎹

Inawit ng Koro ng Katedral sa Pagtatalaga bilang Pambansang Dambana ng Birhen Maria Maulawin. Ginanap noong ika-26 ng Mayo, taong 2025 sa Iglesia Filipina Independiente, Katedral at Dambana ng Birhen Maria Maulawin, Santa Cruz, Laguna.

Address

A. Mabini Street
Sta. Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay Koro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share