03/09/2022
Mga tawang walang laman,
Lahat ay panlabas lamang.
Pero kapag magisa ka na lang
Mga pakiramdam na hindi kayang pigilan.
Mga kalungkutang pilit kang hinahatak.
Ikaw na pilit na lumalaban,
Nagtatanong na lang sa sarili, kaya ko pa ba?
Ano bang meron sa kabila?
Mawawala ba ang sakit?
Pero di mo na maintindihan ang tama at mali.
Ang alam gusto mo na lang ay mawala ang pighati.
Lumaban ka,kahit di mo na alam ang dahilan,
Lumaban ka kahit sa tingin mo walang patutunguhan.
Lumaban ka.
Balang araw ngingiti ka din ng totoo.
Tatawa ng base sa nararamdaman mo.
At hindi na kailangang magpanggap sa mga tao.
Balang araw.
-okaoblak
Image not mine/ctto