Miss glai writes

Miss glai writes Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Miss glai writes, Poet, Brooke's point palawan, Puerto Princesa.

"PINAGMULAN" Saan ba nagmumula ang paksa?,Sa pagbuo nang mga salita,Paano nga ba ito ginagawa?At ika'y naging isang maka...
24/12/2024

"PINAGMULAN"

Saan ba nagmumula ang paksa?,
Sa pagbuo nang mga salita,
Paano nga ba ito ginagawa?
At ika'y naging isang makata.

Sa tulang ito aking sasambitin,
Upang mga katanungan nang bawat isa'y masagot din,
Isipan ma'y di magulumihanan,
Paano makabuo nang bawat salitang di alam ang pinaghuhugutan.

Ito'y nagsimula noong ako'y highschool pa lamang,
Batang puso ay nagmahal kahit wala pang muwang,
Batid nang lahat na kapag ganitong pakiramdam,
Lahat nang iyon ay walang katotohanan.

Maliban pa sa nasambit na dahilan,
Covid-19 ang ating pinagdaraanan,
Isip ay gumana sa gitna nang kawalan,
Habang ang katawa'y kulong sa loob nang tahanan.

Nais kung magsulat nang tula,
Kahit noong una'y hindi alam ang nais na paksa,
Kahit tiwala sa sarili'y di ganon kalalim,
Bawat mabubuo'y diretsong susunugin.

Hanggang sa isang araw ako'y natuto,
Isa na sa mga pinagkakaabalahan ko,
At sa bawat tulang mabubuo,
Ay talagang napakadedikado.

"MAGKABILANG MUNDO"Di mawari'y saan ba nagmula ang storyang ito,Storya na pinamagatang magkabilang mundo,Kung saan bago ...
23/12/2024

"MAGKABILANG MUNDO"

Di mawari'y saan ba nagmula ang storyang ito,
Storya na pinamagatang magkabilang mundo,
Kung saan bago lang tayo pinagtagpo,
Na parehong may ligaw na puso.

Nasisilayan ka mula sa malayuan,
Magkabangga ma't maharang ay dedma lamang,
Tila parehong bulag sa pagmamahalan,
Na sa dulo pa nais, storya nating dalawa'y simulan.

Isang araw nang tayo'y muling nagkatagpo,
Batid na nating wala nang mabibigo,
Hindi sa labi makikita ang saya ,
Kundi sa mapupungay mong mga mata.

Sa paglipas nang mga araw magkabila nating mundo'y natanaw,
Mabatong puso'y unti-unti nang natutunaw,
Sa karagatan nang mga tao man ika'y nakikilala,
Wari'y kilalang-kilala ka nang talaga.

Magkabilang mundo ang pinanggalingan,
Takot sa aking puso't isip laging nararamdaman,
Na baka isang araw muling masilaw,
Isa't isa'y di na tuluyang matanaw.

"koloheyala"Ito na ang panibagong simula,Sa pagtahak nang  bagong matrikula,Unang yugto bilang koloheyala,Puso't isipa'y...
22/12/2024

"koloheyala"

Ito na ang panibagong simula,
Sa pagtahak nang bagong matrikula,
Unang yugto bilang koloheyala,
Puso't isipa'y may takot at pangamba.

Pamilya ang unang motibasyon,
Sa pagpili nang kursong naaayon,
Alin ba ang pipiliin ang sariling kagustuhan
O and reyalidad na dapat isipin?.

Sa pagpasok sa eskwela di maiwasan ang Kaba,
Pagpapakilala ng studyante't g**o ang mauna,
Mga kaklase'y nagtitinginan at tamang ngitian,
Ito ang simula ng pagkakilanlan,

Sa pagdaan nang mga buwa't araw,
Mga pangyayari'y unti-unti nang lumilinaw,
Ito ang Landas na aking tinatahak,
Dugo't pawis ang kelangang
Ilagak.

"kaibigan"Mga taong hindi mo man kadugoNgunit mahal na mahal nang Yong pusoLahat ay kayang gawinNang pagkakaibigan ay pa...
22/12/2024

"kaibigan"

Mga taong hindi mo man kadugo
Ngunit mahal na mahal nang Yong puso
Lahat ay kayang gawin
Nang pagkakaibigan ay panatilihin

Simula sa unang araw nang pagtanggap
Nang walang bahid ng pagpapanggap
Nakasalamuha't panibagong pagmulat
Na ikaw ay hindi na mag isa katulad nang musmus na bago pa lang nakamulat.

Dumaan na ang araw at taon,
Pamilya monang ituring sa pagkakataong yaon,
Kasama sa lungkot man at kalokohan,
Pagmagkakasama'y dedma ang kapaligiran.

Ang lahat nang ito'y hindi hiniling,
Ngunit kusang ibinigay nang Diyos sa atin,
Sapagka't tayo lamang ang nagkakaunawaan,
Na ang Pagtutulungan at unawaan ang sya nating puhunan.

Iisa lang ang laging munting hiling
O Diyos ko ang pamilyang ito ay panatilihin
Sapagka't mahirap nang makaalpas
Dahil alam naming ito na ang Tamang Landas.

"Iniisip kita habang kinakalimutan mo ako"Ang galing din nang ating huling kwento,Kung saan hirap na hirap ako't pilit n...
22/12/2024

"Iniisip kita habang kinakalimutan mo ako"

Ang galing din nang ating huling kwento,
Kung saan hirap na hirap ako't pilit nagsusumamo,
Sa isipin ko ikaw'y Kasa kasama,
Ang ala alang binuo nating dalawa.

Habang ika'y nasa kabilang panig,
Puso't isipa'y patuloy nang nakapinid,
Bakas nang kahapo'y iwinawaksi,
Nang walang halong Pag aatubili.

Iniisip kita habang kinakalimutan mo ako,
Hanggang doon na lang ba talaga iyon para sa'yo?
May natitira pa bang konting pagmamahal?
Kahit nabahiran na nang pait at sakit na talagang nakakasakal.

Tila ako'y hangin kung iyong makasalubong,
Wala na Pati ang pagkakilala natin noon,
Mga matang malayo palang ay umiiwas,
Na para bang espadang sa ibang direksyon dapat iwasiwas.

"Storya"Pagbukas pa lang ng unang pahina,Puno na ng sabik at paghanga,Ito'y Isang simula,Nang istorya nating dalawa.Mga ...
22/12/2024

"Storya"

Pagbukas pa lang ng unang pahina,
Puno na ng sabik at paghanga,
Ito'y Isang simula,
Nang istorya nating dalawa.

Mga Mata'y nagniningning,
Tila sa pagtulog ako'y napahimbing,
Ayaw ko nang matapos to,
Dahil alam kong kasalungat ang nakasulat sa dulo.

Sa dami nang pinagsamahan,
Nagsimula pa sa pagkakaibigan,
Ang storyang kinagigiliwan,
Nating dalawang nangakong walang bitiwan.

Sa tuwing ika'y masusulyapan,
Pangamba'y aking nararamdaman,
Na kakayanin ko bang magsimula?
Kapag ika'y nawala?

Isang gabing madilim binabalot ng ula't kidlat ang bawat bituin,
Kasabay nang pagtulo ng aking luha na para bang batang uhugin,
Isang mensahe sa aking telepono,
Na nagsasabing patawad ngunit tapos na tayo!.

Ako'y napaupo Paulit ulit na tinatak sa isip ko,
Na Isa lamang itong biro,
Sapagka't di kita kilalang ganito,
Dimo kayang saktan ako.

Lumipas man ang buwa't araw,
Bangungot na iyo'y patuloy tatanglaw,
Kung gaano kahirap mawalan,
Nang nag iisang nakasanayan.

Bawat pagbukas ng mga mata,
Patuloy na umaasang magmemensahe ka,
Magbabago ang iyong isipan,
At ako'y babalikan kung San mo iniwan.

Patuloy ang tanong sa sarili,
Kelan kaya muling babangon na walang Pag aatubili?
Kaya ko pa bang magsimula Uli?
Sa panibagong istoryang hindi na ikaw ang hahalili?

"ANXIETY"Ito ay isang tula ngunit di ko mawari saan magmumula,Di matukoy ang dinarama,Ngunit ito'y dahilan ng hirap sa p...
22/12/2024

"ANXIETY"

Ito ay isang tula ngunit di ko mawari saan magmumula,
Di matukoy ang dinarama,
Ngunit ito'y dahilan ng hirap sa paghinga,
Habang mga mata'y nagbabadyang luluha.

Sarili'y pilit pinapakalma,
Nang di na makaperwisyo pa sa iba,
Katawa'y nagsimulang manginig,
Kahit di naman nilalamig.

Kamay at paa'y nangangaligkig,
Habang abot langit ang tahip ng dibdib,
Takot na takot sa kawalan,
Sa hindi matukoy na dahilan.

Mga Mata'y unti-unting pipikit,
Tila nagsasabing pahinga muna ako kahit saglit,
Nais Kong takasan na muna ang mundo,
Upang sandaling katahimika'y maranasan ko.

"Reyalidad"Sa paglipas ng panahon Patuloy na namumuhay sa nayon Ang bawat pamilyang nais makaahonSa hirap nang buhay mul...
22/12/2024

"Reyalidad"

Sa paglipas ng panahon
Patuloy na namumuhay sa nayon
Ang bawat pamilyang nais makaahon
Sa hirap nang buhay mula pa noon

Nais umalpas sa rehas nang kahirapan
Makatikim ng masarap na pagsasaluhan
Makapunta sa ibang bayan
Magliwaliw na may katunayan

Mumulat sa Pag aagaw ng liwanag at dilim
Mag titimpla lamang nang kapemg barako't sisimsim
Maghahanda na sa pagpasok sa trabaho
Mag iisip para sa panibagong araw na'to

Magbanat ng buto sa ilalim ng kainitan
Dugo't pawis ang puhunan
Kakarampot na kita'y pagkakasyahin
Sa taas ng mga bilihin

Uuwing may ngiti sa labi
Suot ang maskarang tila'y walang nangyari
Pagod na katawa'y mapapawi
Sa sapat na pangangailanga'y nabili.

Hindi to for clout lang HAHA I make an official page para sa kaoahan ko and goiseee support my kaoahan HAHA if you want ...
22/12/2024

Hindi to for clout lang HAHA I make an official page para sa kaoahan ko and goiseee support my kaoahan HAHA if you want a poem English man yan or tagalog just comment here your wanted title ako na bahala.🥰 Habang walang pasok advance happy new year everyone.

P.S I'm sorry we're not celebrating Christmas.

"PATAK"Kulong sa apat na kwadradong madilim,Habang yakap ang unan nang madiin,Bawat patak nang luha'y sadyang palihim,Na...
22/12/2024

"PATAK"

Kulong sa apat na kwadradong madilim,
Habang yakap ang unan nang madiin,
Bawat patak nang luha'y sadyang palihim,
Na tanging maririnig lamang sa pader nang ding-ding.

Samo't saring pakiramdam ang dinaranas,
Na talaga namang nakakaubos nang lakas,
Paulit-ulit na sambit ang mga katanungan,
Deserve ko po ba ang ganitong pakiramdam?.

Pabaling-baling ang katawan hindi mawari'y ang dahilan,
Sarado ang mga mata at isipa'y nananatiling nawiwindang,
Sa Kabila nang nakakabinging katahimikan,
May puso at isip na nagtatalo pa ring tuluyan.

Mga lugmok na mata'y may bahid nang pagod,
Kita ang butil nang luha, patak ay sunod-sunod,
Katawang pagod sa paghiga nakahinuhod,
Unti-unting pipikit hanggang sa makatulog.

"PAHINGA"Sapat na ba ang tahanan upang pagpahingahan?,O ang iyong kaibigan na lagi mong sandalan sa oras ng kagipitan?,P...
20/12/2024

"PAHINGA"

Sapat na ba ang tahanan upang pagpahingahan?,
O ang iyong kaibigan na lagi mong sandalan sa oras ng kagipitan?,
Pag uwi lang ba ang solusyon?
Sa tuwing isipa'y halos di na maiahon.

Hingang malalim sa kawalan,
Habang nagmamasid sa kapaligiran,
Tinatahak ang bawat linya ng daan,
Iniisip ang maaaring patutunguhan.

Berdeng puno't halaman ang bumungad,
Mga nagagandahang bulaklak na namumukadkad,
Huni ng mga ibon ay tila sining,
Damang dama ang sarap ng simoy ng hangin.

Ako'y tila nasa isang Paraiso,
Malayo sa napakagulong mundo,
Ito ang tanging pahingang hinahanap,
At siyang tunay na pangarap.

"PAGSIBOL"Pag aagaw nang liwanag at dilim ang batayan,Pagsibol nang liwanag sa kalangitan,Lumalagablab sa buong kalawaka...
20/12/2024

"PAGSIBOL"

Pag aagaw nang liwanag at dilim ang batayan,
Pagsibol nang liwanag sa kalangitan,
Lumalagablab sa buong kalawakan,
Na wari'y simbolo nang katapangan.

Pagbubukas nang mapupungay na mata'y dahan-dahan,
Aliw na aliw sa Diwa nang kapaligiran,
Kasabay nang tilaok nang manok at huni nang mga ibon,
Na tila nagpapahiwatig na kalimutan na ang kahapon.

Dama ang lamig sa bawat hampas nang alon,
Habang nakaupo sa duyan na nakatali sa punong iyon,
Umiindayog ang puso sa galak,
Napakagandang pagmasdan nang walang halong pagtatalak.

Pagsibol nang araw ay siyang simula,
Sa paninagong karanasan na namang matatamasa,
Ito ang siyang rason sa maagang pagbangon,
Na "Ang kahapon ay hindi maaaring ihalintulad sa ngayon".

Pafollow po ng new page💋
19/12/2024

Pafollow po ng new page💋

"10:00 PM"

Starting to feel something that nobody's wanted the feelin',
Like an enormous rock bagged around in,
A molten tears slowly flow,
Hearts, beat deliberate in sorrow,
While hugging my two favorite pillow.

Tik-tak Tik-tak sounds from the clock,
A simple reminder for you to take a nap,
It's already 10:00 PM,
You need to rest and forget about everything.

An sleepy eye wanted the darkness,
Feel the comfort of loneliness,
Night made for a better rest,
Here you are thinking, what happen before the next?.

Exhausted mind and body feels empty,
Teary-eyed eaten by the darkness slowly,
It's not a right time to worry,
All we need is to rest properly.

✍️Ms.glaii

"10:00 PM"Starting to feel something that nobody's wanted the feelin',Like an enormous rock bagged around in,A molten te...
19/12/2024

"10:00 PM"

Starting to feel something that nobody's wanted the feelin',
Like an enormous rock bagged around in,
A molten tears slowly flow,
Hearts, beat deliberate in sorrow,
While hugging my two favorite pillow.

Tik-tak Tik-tak sounds from the clock,
A simple reminder for you to take a nap,
It's already 10:00 PM,
You need to rest and forget about everything.

An sleepy eye wanted the darkness,
Feel the comfort of loneliness,
Night made for a better rest,
Here you are thinking, what happen before the next?.

Exhausted mind and body feels empty,
Teary-eyed eaten by the darkness slowly,
It's not a right time to worry,
All we need is to rest properly.

✍️Ms.glaii

"HIMIG"Sa ganda niya'y laging napapapatitig,Puso'y hinahaplos sa bawat hampas na Tila ba tinig,Takbuhan sa oras na ang m...
19/12/2024

"HIMIG"

Sa ganda niya'y laging napapapatitig,
Puso'y hinahaplos sa bawat hampas na Tila ba tinig,
Takbuhan sa oras na ang mundo'y di maunawaan,
Bigat nang pakiramdam lagi'y napapagaan.

Isang walang buhay na maaaring kakampi,
Kung sayo'y wala nang makaintindi,
Diringgin ang iyong bawat daing,
Panaghoy ma't pagtangis ay di palalampasin.

Uupo sa dalampasigan habang namnam ang simoy nang karagatan,
Titingin sa kalangitan, iiwas sa mata nang karamihan,
Nais mapag isa sa Kabila nang karimlan,
Ang bigat sa puso'y unti-unting gagaan.

Himig nang bawat alon ang laging solusyon,
Sa pagkalugmok kung paano muling aahon,
Ilaw nang buwan ang siyang nagiging tanglaw,
At mga bituing malayong natatanaw.

Bawat hampas Neto ay Tila yakap,
Na wari'y ito lamang makakapagpagaan sa lahat,
Habang Sambit ang katagang " Lord gawin mo akong malakas",
Dahil sa bawat himig nang likha mo luha'y kusang tumatakas.

✍️Ms.glaii

Address

Brooke's Point Palawan
Puerto Princesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miss glai writes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category