31/10/2024
Bakit nga ba
Hindi tugma Ang kulay
Nung sa loob at labas?
Malamang inyong napansin
Lumilitaw iBang kulay
Lumalabas sa paningin
Tila gumawa di pa ata mahusay
Ngunit di nyo ba napagtanto?
Sinisimbolo Nyan ay problema
Di man kayang matakpang buo
Makulay naman Ang nakikita
Bawat pag ikot ng lubid
Unti unting natatakpan
Isang baitang na ang nalupig
Proseso ay pinag aaralan
Paulit ulit ba?
Kung Yan lang Ang tanging paraan
Iisang problema
Na sana madali lang masolusyonan
Ngunit Minsan Ikaw din Yung paikot ikot
Problemay di na malimutan
Nakakasakal na Yung dulot
Dahil dimo magawang bitawan
Sa paningin nila tila
Wala Kang problema
Di nga ba alintana
Kung di naman nila nakikita
Sa pag suot mo sa iyong braso
Nagpapatunay ng kalakasan
Hawak mo na, dika problemado
Bagkos iyong pinaghahawakan
Proud ka oo dapat ganyan
Minsan Yung iba pinanghihinaan
Wala sa leeg nasa braso Ang laban
Kontrolabo Ang pinag dadaanan
Bawat pag kaway
Kamasa na Ang pag taas ng mga kamay
Problema ay naiaangat kasabay
Ng buhay at bagahi Yan ng nagbibigay kulay
Kaya sa mga kabataang
Wala ng gana pang lumaban
May mga taong nahihirapan
At kung magpatuloy ay pagapang
Di man magkapantay ng antas
O Iba Ang pinaghuhugutan
Mas mabuting alam Ang tinatahak na landas
Kesa sarili ay malimutan
Itoy Isang paalala lamang
Sa tulad Kong umabot na sa puntong ganyan
Makulay din Ang Buhay sa paraang
Dapat kalang lumaban