09/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
Ipinagdiriwang natin ngayon ang araw ng lahat ng mga Dakilang Ina at Ilaw ng Tahanan na siya nagsisilbing gabay at lakas ng bawat miyembro ng pamilya sa araw-araw nilang pamumuhay.
Ngayong araw ay kinikilala rin natin ang natatanging gampanin ng Mahal na Birheng Maria na maging ina ng ating Tagapagligtas at ina rin nating lahat. Hindi matatawaran ang kaniyang maka-inang pagmamahal at pagkandili sa ating bayan at sa ating lahat.
Kung kaya naman po ay patuloy nating ipanalangin at mahalin ang lahat ng ating mga ina katulad ng halimbawang ipinakita sa atin ng ating Panginoong Hesukristo nang sa gayon ay patuloy tayong maging kalugod-lugod sa Diyos.
---๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐---
Diyos na pinagmumulan ng Buhay
Diyos ng mga babaeng banal tulad nina Sara, Ruth, at Rebecca.
Diyos ni Elisabet na ina ni Juan Bautista
Diyos ng Mahal na Birheng Maria na ina ng iyong Anak na si Hesu-Kristo, dinggin po ninyo ang aming panalangin, at pagkalooban ng pagbabasbas ang lahat ng mga ina at lolang natitipon sa lugar na ito.
Basbasan mo po sila ng lakas na nagmumula sa iyong Banal na Espiritu sapagkat sa pamamagitan nila natutunan ng mga anak at apo kung paanong tumayo at lumakad,
kung paanong magsalita at maglaro,
at kung paanong makalapit sa Iyong banal na harapan sa pamamagitan ng tapat na pananalangin.
Pagkalooban mo po sila ng biyayang makiisa sa Iyong Banal na Hapag at matanggap ang Pagkaing nagbibigay buhay sapagkat sila ang mga nagtaguyod at nagpakain sa amin at sila din ang nagturo sa amin kung paanong itaguyod ang aming mga sarili at ang aming mga pamilya.
Pagkalooban mo po sila ng kalusugan at kapayapaan,ng galak at kaligayahan,
at ng pagkakataong kamiโy kanilang maipagmalaki bilang mga anak.
Pagkalooban mo din po sila ng mga kaibigang mananatiling tapat upang kanilang patuloy na madama ang Iyong pagkalingaโt pagmamahal.
Gayundin aming isinasama sa panalangin ang mga babaeng walang nakakaalaala lalo na ang mga tahimik na itinataguyod ang kanilang pamilya, naglilingkod ng may kababaang-loob, at nagtitiis ng hirap sa buhay para sa kapakanan ng kanilang asawaโt mga anak.
Kaya ang aming hiling, O Diyos ng kadalisayan,
na ikaโy manahan sa aming lahat na naririto,
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
AMEN.