22/05/2026
RONNIE ALONTE, NAG-ADMIT NG CHEATING KAY LOISA ANDALIO — MULTIPLE TIMES!
Sa isang naging interview sa “Magandang Buhay,” diretsahang inamin ni Ronnie Alonte na dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon nila ni Loisa matapos siyang mahuling nangaliwa umano nang ilang beses.
Ayon sa aktor, naging dahilan ito ng pansamantalang paghihiwalay nila.
“Tinake ko ‘yun as karma… kasi ang dami kong kasalanan sa kanya,” pag-amin ni Ronnie.
Ibinahagi rin niya na labis niyang naramdaman ang sakit nang mabaling sa kanya ang sitwasyon — kung paano masaktan at mawalan ng tiwala. Aminado rin siya na siya mismo ang may mali at walang ibang dapat sisihin sa mga nangyari.
“Ako ‘yung may mali doon… huwag niyo iba-bash ‘yung mga babaeng na-link sa akin dati kasi wala silang alam,” dagdag niya.
Sa kabila ng kontrobersya, nagbalik pa rin ang dalawa sa isa’t isa at ngayon ay nananatiling magkasama sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok.
Pero ang rebelasyon na ito, muling nagbukas ng usapin online tungkol sa tiwala, forgiveness, at kung hanggang saan kaya magpatawad ang isang relasyon.
Details in comment 👇👇👇