17/04/2023
SA MGA FIRST TIME AT MAGPAPATATTOO ULIT DYAN PAKIBASA
USAPANG HEALING PROCESS SA TATTOO
Ito po ay para sa lahat kaya kung nagbabalak kang magpatattoo at hindi mo alam kung paano pagalingin basahin mo ito. Mahaba ito pero kung gusto mo matuto, TAKE TIME TO READ.
FAQs:
“Sir anong dapat kong ilagay dito?”
- Iba’t iba ang aftercare instruction ng bawat artist. Pwedeng dry healing, pwede mo ring lagyan ng vitamin a & d at moisturizer pero may tamang dami lang yan at duration kung ilalagay.
“Sir ang kati normal ba ‘to?”
-normal yan, wag na wag niyong kakamutin o kukutkutin dahil masisira tattoo niyo, tapik tapikin niyo lang.
“Sir parang may nana?”
- hindi po nana yun, hindi malalim ang sugat ng tattoo, hanggang 2nd layer lang ng balat yan. Wag niyo kasi hahayaang magtubig, kapag may nakikita kayong tubig tubig na nalabas, tapikin niyo ng tissue para hindi mamuo. Best kung maayos paghugas niyo yung walang naiiwang excess na blood or plasma.
“Sir ang kapal magbalat ng tattoo ko, napalalim ata pasok ng needle mo or nabugbog? Ano ba ang dapat kong gawin?”
-May iba’t ibang factor ang tattoo kung bakit naging makapal scabbing.
Una, yung part na pinaglagyan ng tattoo ay palaging nagagalaw, maaaring sa trabaho o bahay, kaya naman tumatagal ang paggaling nito. Best na gawin sa tattoo para mas mabilis gumaling ay wag palaging magalaw, mabanat at pagpawisan ang part ng tattoo
Pangalawa, may nilagay kang ointment or cream habang di pa tuyo ang tattoo or madami ang pagkakalagay mo kaya nagcause nang force scabbing ng skin kaya mas naging malalim ang scabbing niya kase napwersa matanggal ang balat.
Pangatlo, kung ano ano ang nilagay mo na produkto gaya ng betadine or langis o petroleum. Hindi nilalagyan ng betadine ang tattoo, hindi nilalagyan ng langis at ang petroleum ay mainit sa balat.
Note: Basta hindi mo tutuklapin wala kang magiging problema!
Isama ko narin ang aftercare instruction na binibigay ko sa mga client.
INSTRUCTION KUNG PAANO AALAGAAN ANG TATTOO
• Magpabula sa kamay ng safeguard at tsaka dahan dahang kuskusin ang tattoo. Yung tamang diin lang para matanggal yung pagka-slimy o pagka-madulas niya.
• Kapag papatuyuin. Tapik tapikin lang, wag kuskusin. Tissue ang gamitin.
Instruction kung paano alagaan araw araw:
• Hugasan ang bagong tattoo ng safeguard 2-3 times sa loob ng isang araw.
• Wag maglagay ng kahit anong produkto sa loob ng tatlong araw.
• Sa ikatlong araw hanggang ikalimang araw ay pwede mo siyang lagyan ng vitamin a & d ointment or non-scented moisturizer lotion. Wag madami ang paglagay. Mas okay ang kaunti kesa sa madami dahil need makahinga ng tattoo para gumaling agad.
• Pwede mong lagyan ng sunblock kapag gumaling na pero sapat lang para sa tattoo mo. Para hindi kumupas ang ink kapag nabibilad sa araw pero as much as possible wag ibilad sa araw ang tattoo.
Mga bawal:
• Bawal magbabad sa tubig o magswimming sa loob ng dalawang linggo hanggang dalawang buwan. Note: Depende pa sa sitwasyon ng tattoo. Contact your artist.
• Bawal pagpawisan masyado o magworkout dahil tatagal ang paggaling ng tattoo.
• Bawal mabilad sa araw o mainitan dahil pwede magdulot ng infection.
• Bawal kumain ng malalansa.
• Bawal kamutin
• Bawal tuklapin
• Bawal lagyan ng langis at petroleum ang tattoo.
• Bawal mapatagal sa pagligo, yung sakto lang para di nabababad sa tubig ang tattoo.
Kung may mga tanong kayo at mga balak gawin sa bagong tattoo niyo, CONTACT YOUR ARTIST FIRST AT WAG MAKINIG SA SINASABI NG IBA KUNG ANO DAPAT MONG ILAGAY, SA ARTIST MO KALANG MAKINIG. NUMBER 1 RULE YAN ISAMA MO PA YUNG HONEST KA DAPAT SA KUNG ANONG GINAWA MO SA TATTOO MO.
Sana ay natuto kayo, produkto yan ng karanasan ko at research. Hindi po ako nanghuhula lang ng mga nangyayare sa tattoo niyo. Alam ko kapag natuklap agad or may nilagay. Huwag po ugaliin na makipagtalo sa artist at magmarunong!
CCTO 📷