08/03/2025
"Sinasaktan mo ako kahit wala namang iba"
Nag simula tayo sa pag kakaibigang masaya,
Nag kasundo kahit sobrang layo nang distansiya,
Taga bicol ka at ako naman ay taga laguna,
At sa araw araw na pakikipag usap ay meron akong nadama,
Pakiramdam na minsan ko lang maramdaman,
Pero kahit ganun ay ako ay nag alangan,
Dahil malayo ang distansiya at baka lang iyong ayawan,
At sabihin mong mag hanap ka nalang nang iba jan,
Maraming tunatakbo sa isipan ko na negatibo,
Pero pag kausap kana ang isip ko ay nagiging kalmado,
Kaya isang araw naisipan ko nang umamin sayo,
Bahala na kung matalo kaysa naman magsisi sa ako sa dulo,
Nung una ay nahihiya pa akong sabihin sayo,
Pero nang sasabihin ko na ay bigla kang nag tanong kung ano ba tayo?,
At ang naging sagot ko lang ay kung handa ba siyang ako ang kanyang maging nobyo,
At isang masaya at mabilis niyang sagot nang matamis na oo,
Naging kami kahit sobrang layo nang pagitan,
At syempre hindi mawawala ang mga alitan,
Marami akong nalaman na hindi ko nagugustuhan,
Pero kahit ganun ay hindi ko pa rin siya kayang iwanan,
Ganun talaga siguro kapag nag mamahal ka,
At kahit anung dami nang mali ay iintindihin mo talaga,
Walang sukuan kahit minsan nakakapagod na,
Mag papahinga lang pero hindi ka iiwanan mag isa,
Kahit minsan nasasaktan mo na ako sa pag sasabing suko kana,
Nandito pa rin ako palagi para intindihin ka,
At kahit sa sobrang daming sabi nang utak ko na tigilan kana,
Ay siya namang sabi nang puso ko na kailangan kita,
Kaya nasasaktan ako kahit wala ka namang iba.