18/08/2023
- Baka Di Tayo -
By: Yayoi - Yosso - Lopau
Model: C.S.P
Teka muna
Pwedeng pakinggan mo muna
Wag mo muna 'ko na sabayan
Kase lalo lang lalabo ang paliwanagan oh
Pa'no pa sisimulan kung matatapos na
Masisisi mo ba kung napapagod na
Kahit na mahal kita hindi sapat na dahilan na manatili pa sa tabi mo
Kaya ko namang ilaban ka pa
Alam mo na iningatan kita
Kaso lang may hinahanap ka pa
Nagkulang pa rin kahit lahat ay ginawa ko na
Sarili muna ang uunahin ko
Patawad kung kailangan ko na lumayo sa piling mo
Baka di lang talaga tayong dalawa at mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko
Alam kong di kana masaya sakin ano pang magagawa ko
Tanggapin ko na lamang ang lahat kung yan ang kakatuwa mo
Buburahin ko na lamang ang dati nating mga plano
Na binubuo mo ngayon kasama ang ibang tao
Masakit sakin pero kelangan tiisin ang lahat
Sige panalo ka na wag mo na kung batuhin pa ng mga sumbat
Pagod na kong iangat pa yung sarili ko sayo
Di mo na ko dapat baguhin kung ako talaga yung gusto mo
Basta ako ginawa ko ang lahat di mo man nadama
Kahit kapalit nito'y pagpatak gg luha ko sa mata
Bawat tingin ko sayo ay nakatitig ka sa kanya
Ngayon alam ko ng malabo na nga 'tong maisalba
Baka di lang talaga tayong dalawa at mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napapagod na sayo (napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko
Pinipilit ko naman na
Maging maayos ang lahat ngunit parang hindi pa din sapat ang aking mga nagawa
Kaya tama na
Hindi ko na kaya pa (hindi ko na kaya pa)
Hindi ko na kaya pa (di na di na)
Hindi ko na kaya pa(oh)
Hirap lang tiisin
Alam kong wala ng pagtingin
At nawala na ang paglalambing
Kaya relasyon hirap ng sagipin
Hindi na makakaya malabo na
Dahil hindi na masaya
Di na matawag na akin ka
Kaya palaging mag iingat ka
Baka di lang talaga tayong dalawa at mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko
Baka di lang talaga tayong dalawa at mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili