SULAT KAMAY

SULAT KAMAY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SULAT KAMAY, Poet, La Castellana, Negros Occidental.

HINDI NA MAULIT PAPabalik-balik nalang, hindi mawaring pakiramdamNatutulala't naguguluhan, isip 'di maintindihan,Hindi m...
12/09/2026

HINDI NA MAULIT PA

Pabalik-balik nalang, hindi mawaring pakiramdam
Natutulala't naguguluhan, isip 'di maintindihan,
Hindi makatulog, nababalisa, hindi ko na alam!
Multo ng nakaraan, bakit bumabalik sa kasalukuyan?

Pilit nililimot mga bagay na nagpapahirap
Mga bagay na hindi na dapat pang maganap,
Pagkakamali noon, dapat hindi na maulit ngayon
Ang mayroon tayo noon, hanggang doon nalang 'yon.

Hindi ko na kayang magpanggap na ayos lang
Nakakasawa, nakakasakal nalang,
Dapat nang ihinto ang takbo ng sasakyang ito
Bababa na ako, maiwan ka sa byaheng 'to

Nakakapagod na, itigil na natin to, ayo ko na
Nagmumuka na lamang akong tanga
Putilin na lahat ng koneksyon at komonikasyon
Sasakay nalang ako sa iba, magpapahatid sa kabilang estasyon.

BAKIT HINDI MO NAPAPANSIN?Akala ko naman tatablan kanaAkala ko naman mapapansin mo na,Ginagawa mo naman akong tanga e'Ma...
10/09/2026

BAKIT HINDI MO NAPAPANSIN?

Akala ko naman tatablan kana
Akala ko naman mapapansin mo na,
Ginagawa mo naman akong tanga e'
May pake ka ba kahit sandali?

Ano magpapangap nalang ba na parang wala?
Magmamaang-maangan sa mga bagay na ginagawa
Isipin mo naman ang nararamdaman ko
Ginagawa mong biro ang lahat, seryoso naman o'

Bakit ba kasi hindi ka makaramdam?
Lantaran na nga, hindi mo pa rin maramdaman?
Bato ba 'yang puso mo't 'di mo madama?
Ano pa bang dapat sabihin mo na!

Nagagawa mo pang ngumiti sa lagay nayan no'
Samantalang ang gulo-gulo na nang isip ko,
Manhid ka nga kaya 'di mo pansin
Ayos lang sayo, ngunit hindi para sa'kin.

KUNG BABAE LANG AKOGusto mo rin bang maging babae? Tanong na parating naririnig ko,Pag naging babae ba ako maganda rin a...
08/09/2026

KUNG BABAE LANG AKO

Gusto mo rin bang maging babae?
Tanong na parating naririnig ko,
Pag naging babae ba ako maganda rin ako?
Pag ba naging babae ako, gugustuhin rin kaya ako?

Mahirap kasi ang maging bakla
Tampulan ng tukso at pangungutya
Marami kang maririnig na masasakit na salita
Nilalayoan at ikinakahiya.

Gusto ko ring maranasan ang maging babae
Gusto ko ring maranasang matanggap kahit sandali
Kapag siguro naging babae ako maipagmamalaki na niya ako;
Masasabi na niya ang mga salitang tanggap kita at mahal mahal kita.

Mahirap kapag nakikita mo 'yong gusto mo may minamahal nang iba
At masakit dahil wala kang magagawa dahil bakla ka;
Hindi naman pweding sabihing "bakit siya pa 'andito naman ako"
Ang hirap na gustohin ng taong ayaw sayo.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na tanggap ka ng taong mahal mo?
Ang sarap siguro kapag 'yong taong gusto mo, ikaw rin ang gusto?
Hindi ko kasi naranasan ang mga ganyan
Hindi naman ako babae tulad ng kanyang inaasam.

NAIWANG BAKAS NG KAHAPONNakatitig sa kawalan na wala nang bukas,Pag-asa at tila walang nang wakas.Takot at pag-aalinlang...
28/04/2026

NAIWANG BAKAS NG KAHAPON

Nakatitig sa kawalan na wala nang bukas,
Pag-asa at tila walang nang wakas.
Takot at pag-aalinlangan ang siyang kalaban,
Hinayaan kong lumipas ang gintong kapalaran.

Sana'y pinag-isipang mabuti ang mga sandali,
Noong ang sagot ay madali pang masabi.
Ngunit mas pinili ang ingay na nakakabingi,
Ako ngayo'y nasa sulok at nagsisisi.

Ang agos ba nang buhay ay humihinto?
O nag aantay lang sa taong nalilito?
Ang tren nang buhay ay malayo na ngunit wala,
Bakit naiwan akong nakatulala?

Ang pangarap na para saakin,
Bakit hinahayaang tangayin ng hangin.
Ang "bakit" at "sana" ay laging kasama,
Hanggang sa pagpikit nakikita ang pangungulila.

Ka'y rami nang luha ang pumatak,
Sa pusong sugatan na tila'y wasak.
Ang pagkakataong minsan lang dumating,
Ngayo'y alaala na lamang na ka'y hirap gisingin.

PANANDALIANG SULYAPIsang ordinaryong hapon, nagiging kahel ang kalangitan ang araw ay lulubog naMatamlay kaming sumakay ...
27/04/2026

PANANDALIANG SULYAP

Isang ordinaryong hapon, nagiging kahel ang kalangitan ang araw ay lulubog na
Matamlay kaming sumakay sa bus at kami'y uuwi na,
Nakasandal sa bintana, tanaw ang mga punong nadadaraanan
Nagmamadali na tila ba'y walang hanggan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may pamilyar na muka ang sumakay
Kahalihalina, mata'y mapupungay,
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang siya'y makasakay
Bumilis ang tibok ng puso, ang kaninang matamlay ngayo'y biglang nagkabuhay.

Oo siya nga, sambit ko sa aking sarili, siya nga walang duda
Ang lalaking aking hinahangaan ngayo'y kasabay ko na,
Biglang nagtagpo ang aming mga mata kong kaya't ako'y nakaramdam ng hiya
Sa buong byahe ang ginawa ko lamang ang pagmasdan siya.

Hindi nag tagal siya ay pumamara na
Kainis sapagkat ang dali lang nang kanyang pagbaba,
Mali man pero hiniling ko na kami ay masiraan para makasama ko siya ng matagal
Ngunit tadhana na yata ang nag sabi na ito'y panangdalian lang.

Nakaramdam man ng pagkayamot ngunit wala na akong magagawa
Pinagmasdan ko na lamang siyang nagmamadaling bumaba,
Mabilis ang pag-andar ng bus na hindi ko man lang nagawang lingunin siya
Sana dumating ang araw na makasabay ko ulit ang aking tagahanga.

Address

La Castellana
Negros Occidental

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SULAT KAMAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category