Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company

Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company, Theatrical Play, PHASE 1C NBBS KAUNLARAN, Navotas.

Ang kalinga ng isang ina ang pinakamagandang regalo sa mundo. Saludo kami sa inyong tatag at pagmamahal, lalo na sa laha...
10/05/2026

Ang kalinga ng isang ina ang pinakamagandang regalo sa mundo. Saludo kami sa inyong tatag at pagmamahal, lalo na sa lahat ng mga dakilang inang patuloy na humuhubog sa ating kinabukasan. Para sa mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagbibigay ng liwanag at pag-asa—Happy Mother’s Day sa inyong lahat! 🌸



Tignan: Sa nalalapit na pagtatanghal ng mga kabatang ito at naghahanda sa kanilang performance na gagawin sa darating na...
08/05/2026

Tignan: Sa nalalapit na pagtatanghal ng mga kabatang ito at naghahanda sa kanilang performance na gagawin sa darating na Post-Production.

Ang Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company ay inaanyayahan kayong maki dalo o dumalo sa nasabing event (Post-Production) at Recital din ng aming mga Dancers.

Halina’t makinig sa aming tinig, sa kwentong aming ipapabatid, ang mga lihim, mga sakripisyo, at gustong pagbabago.



Tignan: Bilang paghahanda sa darating na Post-production at Recital ng mga artista at dancers ng Teatro San Lorenzo Ruiz...
05/05/2026

Tignan: Bilang paghahanda sa darating na Post-production at Recital ng mga artista at dancers ng Teatro San Lorenzo Ruiz and Dance Company.

Maraming salamat sa mga kabataang ito dahil walang oras na pinababayaan upang maibahagi ang kanilang gustong ipahatid sa mga tao.



Day 6 | Dance ClasTeatro San Lorenzo Ruiz 🎭Sa ika-anim na gabi ng ating Dance Class, hindi lamang simpleng mga hakbang a...
03/05/2026

Day 6 | Dance Clas
Teatro San Lorenzo Ruiz 🎭

Sa ika-anim na gabi ng ating Dance Class, hindi lamang simpleng mga hakbang ang natutunan ng mga kabataan, kundi ang sining ng pagpapahayag ng damdamin. Sa pangunguna at Koryograpiya ni Glicefred Ancheta Vito, binigyang-buhay ng ating mga mananayaw ang makabuluhang kanta na pinamagatang "Tuso."

Sa bawat galaw at indayog, ipinamalas ng mga kabataan ang mensahe ng kanta—ang pakikipagsapalaran sa mundong puno ng pagkukunwari at ang hamon ng pananatiling tapat sa gitna ng mga mapanlinlang na sitwasyon.

Lubos ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta sa mga kabataang nagnanais matuto. Dahil sa inyo, ang bawat kanta at bawat koryograpiya ay nagiging pagkakataon upang mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa sining at sa buhay.

Day 7 | SCHEDULE
📅: Tuesday, May 5, 2026
🕜: 6:00pm
📍: Teatro San Lorenzo Ruiz & Companion Martyrs Parish



I've just reached 1K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. 🙏🤗...
27/04/2026

I've just reached 1K followers! Thank you for continuing support. I could never have made it without each one of you. 🙏🤗🎉

We appreciate your efforts Ibayo Theater and Dance Company, thank you for sharing a new learnings to us! Padayon!
26/04/2026

We appreciate your efforts Ibayo Theater and Dance Company, thank you for sharing a new learnings to us! Padayon!

Day 5 | Dance ClassTetro San Lorenzo Ruiz 🎭✨ Sa ika-limang gabi ng ating Dance Class, mas lalong nahasa at naipamalas ng...
25/04/2026

Day 5 | Dance Class
Tetro San Lorenzo Ruiz 🎭✨

Sa ika-limang gabi ng ating Dance Class, mas lalong nahasa at naipamalas ng mga kabataan ang kanilang talento at pagmamahal sa sining sa pangunguna ni Sir Jang Sheng Chen kasama ang Ibayo Theatre and Dance Company.

Lubos ang pasasalamat ng aming parokya sa inyong pagtanggap sa aming paanyaya at sa walang sawang pagsuporta sa mga kabataang nagnanais matuto sa pagsasayaw.

Dahil sa inyo, patuloy na lumalago ang kakayahan ng mga kabataang nagnanais humusay sa larangan ng pagsasayaw.

Day 6 | SCHEDULE
📅: Tuesday, April 28, 2026
🕜: 6:00pm - 9:30pm
📍: Teatro San Lorenzo Ruiz & Companion Martyrs Parish



‎Day 4 | Dance Class‎Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company🎭✨‎‎Sa ika-apat na araw ng ating Dance Class, muli nating na...
23/04/2026

‎Day 4 | Dance Class
‎Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company🎭✨

‎Sa ika-apat na araw ng ating Dance Class, muli nating nasaksihan ang isang maganda, malawak, at malinis na galaw ng mga kabataang alagad ng sining sa pangunguna ng Layag Dance Company at ng kanilang Gurong Tagapayo, Mx. Aga.
‎Lubos na nagpapasalamat ang ating parokya sa lahat ng mga kabataang naki-isa, pati na rin sa mga taong walang-sawang sumusuporta.

‎Tunay na namumukod-tangi ang pag-unlad ng ating Dance Class sa parokya! Maging sa ika-apat na araw patuloy ang pagdami ng mga kabataang humuhusay at lumalago ang talento.


‎Day 5 | SCHEDULE
‎📅: April 25, 2026
‎🕜: 6 PM - 9:30 PM
‎📍: Teatro San Lorenzo Ruiz & Companion Martyrs Parish




‎Day 3 | Dance Class‎Teatro San Lorenzo Ruiz 🎭✨‎‎Sa pangunguna ni Sir Ethan Dela Cruz at ng Layag Dance Company, matagum...
22/04/2026

‎Day 3 | Dance Class
‎Teatro San Lorenzo Ruiz 🎭✨

‎Sa pangunguna ni Sir Ethan Dela Cruz at ng Layag Dance Company, matagumpay na naisagawa ang ikatlong araw ng ating Dance Class. Kasama ng ating parokya, taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa Teatro San Lorenzo Dance Company.

‎Tunay ngang kakaiba ang paglago ng ating Dance Class sa parokya! Sa ikatlong araw pa lamang, patuloy na dumarami ang mga kabataang sumasali at nakikita natin ang kanilang mga talento na unti-unting yumayabong.

Day 4 | SCHEDULE
📅: April 23, 2026
🕜: 6 PM - 9:30 PM
📍: Teatro San Lorenzo Ruiz & Companion Martyrs Parish



DAY 2 | Dance Class Teatro San Lorenzo Ruiz 🎭🌟Naging saksi kami sa nag-aalab na talento at dedikasyon ng ating mga kabat...
20/04/2026

DAY 2 | Dance Class
Teatro San Lorenzo Ruiz 🎭🌟

Naging saksi kami sa nag-aalab na talento at dedikasyon ng ating mga kabataan. Hindi lang ito basta paggalaw; ito ay pagpapakita ng ating malalim na pagmamahal sa sining.

​Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naki-indak! Kayo ang patunay na buhay na buhay ang sining sa puso ng ating parokya.

Maraming salamat sa mga kabataang nakiisa!

TIGNAN: Sa unang araw ng pagsasagawa ng free dance class ng Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company ay naging matagumpay...
17/04/2026

TIGNAN: Sa unang araw ng pagsasagawa ng free dance class ng Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company ay naging matagumpay ang gabing ito.

Abangan ang mga susunod na araw, para sa pag-e-ensayo ng mga kabataang ito. Upang matuto at magkaroon ng mga bagong kaalaman sa pag-sasayaw.

Maraming salamat sa mga kabataang ito na pinagpapatuloy ang kagandahan ng sining.

Day 2 | SCHEDULE
🗓️ April 18, 2026
⏱️ 6:00pm - 9:30pm



Address

PHASE 1C NBBS KAUNLARAN
Navotas
1409

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Teatro San Lorenzo Ruiz & Dance Company:

Share