28/09/2026
09-28-26 | 5:00 P.M | Dakilang Kapistahan ng Virgen Maria Stella Maris de Tanza
Sa katahimikan ng aming mga puso, buong pagpapakumbaba naming ipinagkakaloob ang aming mga tinig sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria, Stella Maris Bituin ng Dagat.
Tulad ng isang bituing gumagabay sa mga naglalakbay sa gitna ng malawak na karagatan, nawa’y patuloy kaming akayin ng Mahal na Ina tungo kay Kristo—ang tunay na Liwanag at pag-asa ng aming buhay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa bawat miyembro ng aming koro na naglaan ng oras, pagod, at talento upang makapaglingkod sa Banal na Pagdiriwang na ito. Sa bawat pagsasanay, bawat awit, at bawat munting sakripisyo, naging bahagi kayo ng isang alay na hindi para sa ating sarili, kundi para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos at karangalan ng Mahal na Ina.