16/06/2026
🌸 We’re excited to be part of Gawang Putatan: Likha at Kabuhayan Bazaar 2026!
📍 Saguibas Court (front of San Guillermo Chapel)
📅 June 16–24
⏰ 5:00 PM – 12:00 AM
Visit the Leoflora booth for handmade fuzzy wire flowers, keychains, hair ties, clips, and more! 💐✨
See you there! 💖
𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡: 𝗟𝗜𝗞𝗛𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟲
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kabuhayan at pagnenegosyo sa ating komunidad, ipinagmamalaki ng Pamahalaang Barangay Putatan ang paglulunsad ng Gawang Putatan: Likha at Kabuhayan Bazaar 2026 isang programang naglalayong suportahan, kilalanin, at palakasin ang mga lokal na negosyo at produktong likha ng mga mamamayan ng Putatan.
Sa kasalukuyan, naghahanap tayo ng mga negosyante, home-based entrepreneurs, online sellers, food vendors, artisans, at iba pang may sariling kabuhayan na nais maging bahagi ng bazaar na ito. Ito ay isang magandang pagkakataon upang maipakita ang inyong mga produkto at serbisyo, mapalawak ang inyong merkado, at makilala ng mas maraming mamimili sa ating komunidad.
Bilang suporta, ang bawat kalahok na negosyante ay makatatanggap ng tulong-pinansyal upang makatulong sa kanilang paglahok sa programa. Magtatampok ang bazaar ng mga indibidwal na business booths, promotional materials, at isang espesyal na pamilihan kung saan maaaring tangkilikin ng mga residente at bisita ang mga produktong buong pagmamalaking gawa ng mga taga-Putatan.
Bilang pagkilala sa sipag, husay, at pagkamalikhain ng ating mga negosyante, magkakaloob din ng mga parangal sa mga natatanging kalahok:
🏆 Most Creative Booth – ₱5,000
🏆 Best Local Entrepreneur – ₱5,000
🏆 Best Local Product – ₱5,000
Layunin ng mga parangal na ito na kilalanin ang mga negosyanteng nagpapakita ng kahusayan sa kalidad ng produkto, inobasyon, presentasyon, at pakikitungo sa mga mamimili, habang nagbibigay-inspirasyon sa iba pang lokal na negosyo na patuloy na umunlad.
Magkakaroon din ng centralized photo area, promotional displays ng lahat ng kalahok na negosyo, at iba pang mga aktibidad na magpapataas ng kanilang exposure at pagkilala sa komunidad.
Isa sa mga tampok ng programa ang “Buy Local Challenge”, kung saan hinihikayat ang mga mamimili na suportahan ang lahat ng kalahok na negosyo. Sa pamamagitan ng loyalty card system, ang mga makakabili mula sa bawat booth ay magkakaroon ng pagkakataong makasali sa raffle draw at manalo ng cash prize.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, hangad ng Barangay Putatan na higit pang pasiglahin ang lokal na ekonomiya, palakasin ang suporta ng komunidad sa mga lokal na negosyo, at itaguyod ang kultura ng pagnenegosyo na magbibigay ng mas marami at mas matatag na oportunidad sa kabuhayan para sa ating mga mamamayan.
📌 Kung ikaw ay may negosyo at nais maging kalahok sa Gawang Putatan: Likha at Kabuhayan Bazaar 2026, hinihikayat ka naming magparehistro at maging bahagi ng programang ito. Sama-sama nating ipakita ang husay, sipag, at galing ng mga negosyanteng taga-Putatan.
Sa mga gusto mag parehistro, maaring imessage si
Kagawad Bono Teves
Chairman Committee on Livelihood