Taludtod ng Puso

Taludtod ng Puso Mga salitang hindi ko masabi,
mga damdaming di ko maitago. Dito ko isusulat ang aking kwento

04/01/2026

The best partner is not just a lover, but a teammate in building dreams for the family. ✨

1. Shared Vision – Mag-usap kayo tungkol sa future: saan kayo titira, anong pangarap niyo para sa mga anak, at paano niyo ito maaabot.

2. Division of Roles – Hindi pwedeng isa lang ang kumikilos. Alamin kung saan kayo malakas at doon magtulungan.

3. Communication – Huwag puro lambingan, dapat may malalim na usapan din—lalo na tungkol sa pera, pangarap, at problema.

4. Celebrate Small Wins – Kahit maliit na progress, celebrate together. Nakakapagpatibay ng partnership.

5. Put Family First – Ang tunay na tagumpay ay hindi lang para sa sarili, kundi para sa pamilya.

✨ Dahil sa dulo, ang pinakamagandang love story ay yung hindi lang kayo magkasama, kundi magkasangga sa laban ng buhay.

-ARTC-

20/11/2025

Inilaban ko muna
nang maraming beses
hanggang sa
unti-unti na lang
din akong naupos.

hindi na kailangan
ng salita,
dahil pati ang tinig
sumuko na rin.

ngayon,
tahimik kong tinanggap
na may mga laban
na hindi para sa’kin.

-ARTC-

20/11/2025

SILENT QUITTING OF A WOMAN

Ang babae sobrang taas ng TOLERANCE sa pain. Kaya kht sobrang sakit na un tipong durog na durog kana, un tipong halos maubos ka na nagagawa pa din magtiis at iset aside un nararamdaman nila pra sa taong mahal at pinili nila.

Yun akala mo in good shape or peaceful na un reltionship nyo. Pero kapag ang babae, hindi na nagawang mag selos, and she let you do what ever you want to do, un tipong kahit umalis ka, no calls, text, update, conversation, respect or even no flowers. Yun tipong hindi kana hinahanap, o kinakamusta un araw mo at kung ang sagot na lang sayo is "OK" wala ng imik sayo, walang gana.

But yet, you still think na she's still there lang, na kaya mo pa din manipulahin ang lahat. Huwag kang pakampante na palagi lang syang nandiyan para sayo.

BECAUSE I will tell you man, YOU ARE ABSOLUTELY WRONG!!!

Dahil kapag ang mga babae nakaramdam ng being neglected, taking for granted, unwanted, unseen, unsafe, unlove, unvalued. She will start to question her worth and start to realize are you still worthy of her efforts, affection, attention and time.

Magigising kana lang one day, yun babaeng inaakala mo na lagi lang anjan para sayo are finally GONE. FOREVER.

Tandaan mo nagtiis muna ng mahabang panahon yan bago sumuko. Maraming pain and heartache's na tiniis yan bago ka sukuan ng tuluyan. Maraming sleepless night na tumulo ang luha sa mga mata nyan. Pero binalewala mo lahat yun. Hindi mo nakita lahat yun.

And yet You think that woman is still vulnerable that you can stir in your hand.

That woman NOW, choose her SILENCE AND PEACE. She choose herself. She's been carrying all the heavy weigh of pain you cause her and now she let it go.

And the silent quitting ng mga babae that's too DANGEROUS.

Pinili niya na bitawan ka o palayain ka kahit kayo pa. Mas pinipili na niya sarili nya over you. Every story has the beginning and ending tandaan mo yan.

She's a woman na marunong din mapagod at sumuko.

-ARTC-

20/11/2025

Ngayon ko naintindihan,
Kung bakit sa social media sila sumisigaw,
Hindi dahil gusto lang mapansin,
Kundi dahil sa totoong buhay —
Walang nakikinig, walang sumasabay.

Sa likod ng bawat salita at larawan,
May kwentong pilit na isinisigaw sa katahimikan.
Mga damdaming di masabi nang harapan,
Kaya’t sa mga post, doon nila inilalabas ang pinakatotoong sarili.

Ang bawat “drama” ay hindi kababawan,
Kundi pahiwatig ng pusong pagod at
naghahanap ng malasakit.
Doon nila natatagpuan ang munting pag-asa,
Sa mga taong handang makinig,
kahit hindi nila kakilala.

Ngayon ko naintindihan —
Na minsan, ang mga salitang tila
mababaw sa ating paningin,
Ay sigaw ng kaluluwang matagal nang nananahimik, Umaasang may makarinig,
kahit sa isang saglit.

-ARTC-

19/11/2025

Sa puntong ito, ipanalo mo na.
Bawiin mo ang tiwalang minsang nawala—
ang lakas, ang halagang nakaligtaan.

Pakawalan ang takot,
bitawan ang nakaraan,
paunti-unti, dahan-dahan.

Panahon na para mahalin ang sarili,
para dalhin ang mga aral
habang humahakbang muli.

Kinaya mo noon—
kakayanin mo ulit ngayon.
Mas matatag, mas matapang, mas marunong.

Ipanalo mo na—
hindi para sa iba
kundi para sa sarili mo.

-ARTC-

19/11/2025

“Alam Kong Kaya Ko”

Alam kong kaya ko,
kahit ilang ulit pa akong mabasag
sa mga alaala nating pilit kong tinatabunan.
Kahit paulit-ulit na bumabalik
ang bigat ng mga salitang hindi natin nasabi,
at ang lungkot ng mga araw na magkasama
pero sadyang hindi na tulad ng dati.

Alam kong kaya ko,
kahit minsan pakiramdam ko
ako na lang ang lumalaban
sa katahimikan na pinaparamdam mo.
Kahit kumakapit pa rin ako
sa mga pirasong dapat ko nang bitawan at isuko.

Alam kong kaya ko,
kahit hindi ko pa kayang ngumiti ngayon.
Kahit mas madalas akong mapaupo
at mapatingin sa kawalan,
tinatanggap ko—
heto yung bahagi ng kwento
na kailangan kong kayanin mag-isa.

Alam kong kaya ko,
hindi dahil hindi masakit,
kundi dahil sa bawat pagluha
may natututunan akong unti-unting tumayo.
At sa bawat pagod,
may paalala na may bukas pa rin
kahit hindi ikaw ang kasama.

Alam kong kaya ko,
dahil kahit gaano man kabigat ang pagbitaw,
mas mabigat ang manatili
sa lugar na hindi na para sa akin.
At sa pag-alis ko,
hindi ko dinadala ang galit,
kundi ang lakas na nagmula
sa pagpili kong mahalin ang sarili.

Alam kong kaya ko…
dahil ngayon, kahit hindi pa buo,
humihinga ako nang mas magaan.
At isang araw,
pag lumuwag na ang mundo,
maiintindihan ko rin
kung bakit kailangan kong masaktan
para matutunang tumindig.

Alam kong kaya ko—
Dahil ako ito.
At hindi ako natatapos sa pag-alis mo.

-ARTC-

19/11/2025

“Kung Saan Natapos ang Lahat”

Hindi ko alam kung paano nauuwi
ang dalawang taong dati ay sabay humihinga
sa puntong ako na lang ang kumakapit
sa mga piraso ng alaala
na hindi na kayang mabuo.

Hindi ito biglaan.
Sa salitang “tama na” na narinig ko sa ’yo,
Sapat ng dahilan ito
At sa bawat araw ramdam ko
unti-unti mo akong iniwan
kahit nananatili ka pa sa harapan ko.

At ako?
Ako ’yung piniling magpakatatag
kahit araw-araw may nababasag sa loob ko.
Ako ’yung pilit pa ring ngumiti
kahit unti-unti nang lumulubog
ang mga dahilan kung bakit ako naghintay.

Sinasabi ng utak ko
“hindi pa huli ang lahat.”
Pero paano kung pagod na pagod ka na
at ikaw na lang ang humihinto sa mundo
para sa taong hindi man lang tumitingin sa ’yo?

Paano ka lalaban
sa isang digmaang
ikaw na lang pala ang sundalo?

Kaya heto—
Heto ’yung sandaling ayaw kong aminin
pero kailangan ko nang gawin:

Sumusuko na ako.

Hindi dahil mahina ako.
Hindi dahil hindi kita kayang mahalin.
Hindi dahil hindi ko kayang ipaglaban.

Sumusuko ako
dahil wala nang natira
na pinanghahawakan
maliban sa sakit
na paulit-ulit nating sinasalo.

Sumusuko ako
dahil kahit anong pilit kong huminga para sa ating dalawa,
ako pa rin ang nauubusan ng hangin.

Sumusuko ako
dahil minsan…
ang pinaka-matinong pagmamahal
ay ’yung pagtanggap na hindi na ikaw ang pipiliin niya.

At ngayong tinatapos ko na ito,
wala akong galit,
wala akong sigaw,
wala akong habol.

Meron lang akong pagod.
Meron lang akong katahimikan.
Meron lang akong pagbitaw
sa isang pag-ibig
na hindi na bumabalik.

Kung dito talaga tayo nagtatapos,
hayaan mong dito rin ako magsimula—
sa wakas,
pipiliin ko na rin ang sarili ko.

-ARTC-

19/11/2025

𝗪𝗛𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥𝗚𝗜𝗩𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗘𝗘𝗟𝗦 𝗧𝗢𝗢 𝗕𝗜𝗚, 𝗦𝗧𝗔𝗥𝗧 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗬𝗢𝗨

𝐄𝐯𝐞𝐫 𝐅𝐞𝐥𝐭 𝐋𝐢𝐤𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞 𝐈𝐬 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐃𝐞𝐟𝐚𝐮𝐥𝐭 𝐌𝐨𝐨𝐝?

Picture this: Nag-iisip ka, “Okay na ako, Lord,” tapos may konting galaw lang ang asawa mo, boom, ang utak mo, nag-premiere ng Season Two: The Pain Continues. Parang teleserye na hindi mo gusto pero lagi mo namang napanonood.
Ito ang tricky part: kapag yung taong dapat nagpoprotekta sa’yo… siya rin pala yung nakakasakit. Isa kang bida sa kwento mo, pero minsan gusto mo lang maging villain din.

𝐓𝐡𝐞 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐒𝐚𝐲𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐯𝐞, 𝐆𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐲𝐬 𝐇𝐞𝐚𝐥

You try to pray, pero parang naka-airplane mode si heaven. You try to move on, pero bawat tahimik na moment, rerun ng lahat ng nanakit sa’yo.
The world says: “Protect your peace. Walk away. Know your worth.”
Pero let’s be honest, minsan, yung “healing” na sinasabi ng mundo? Para lang siyang pagtakbo sa mas magandang lighting.
Forgiveness? Not cute. Not Instagrammable. It’s war.
It’s you, sa knees mo, whispering, “Lord, turuan mo akong mag-grace kahit na pride na pride pa rin ako.”

𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐮𝐞 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐎𝐟 𝐅𝐨𝐫𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬
Forgiveness doesn’t mean pretending you’re fine.
It means choosing: “This pain will no longer define me.”
It’s not weakness, it’s wild, holy strength.
Yung tipong, “Lord, You handle justice. Ako, susubukan ko muna ayusin yung heart ko.”
Yes, unfair. Yes, messy. Yes, hard. Pero yun ang tunay na healing.
“𝗩𝗲𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗶𝘀 𝗺𝗶𝗻𝗲; 𝗜 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗿𝗲𝗽𝗮𝘆,” 𝘀𝗮𝘆𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗼𝗿𝗱. (𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻𝘀 𝟭𝟮:𝟭𝟵)

𝐇𝐨𝐰 𝐭𝐨 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐥𝐞 𝐈𝐭 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐅𝐨𝐫𝐠𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐎𝐮𝐭 𝐨𝐟 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡

Girl, let’s be real. Forgiveness sometimes feels like trying to smile while your heart is still screaming inside. Pero here’s the secret: God doesn’t need your fake, polished peace. He wants your messy, honest, “Lord, ang bigat sa puso ko. Pagod na pagod na ako. Ayoko muna.” Seriously, you can unload everything…your frustration, heartbreak, confusion because “𝗖𝗮𝘀𝘁 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗮𝗻𝘅𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗼𝗻 𝗛𝗶𝗺 𝗯𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝗛𝗲 𝗰𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂” (𝟭 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝟱:𝟳). Imagine, the Creator of the universe just saying, “Girl, I got you.”

Now, here’s a plot twist: instead of sulking or giving the silent treatment, serve. Cook that meal, send that kind text, smile first. Statement made: “Pain, you do not own me.” Forgiveness doesn’t erase boundaries; it sets them with style. 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗮𝗻𝘀 𝟮:𝟯 is basically whispering, “𝗗𝗼 𝗻𝗼𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘀𝗲𝗹𝗳𝗶𝘀𝗵 𝗮𝗺𝗯𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗿 𝗰𝗼𝗻𝗰𝗲𝗶𝘁, 𝗯𝘂𝘁 𝗶𝗻 𝗵𝘂𝗺𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗵𝗮𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲𝗹𝘃𝗲𝘀.” That’s grace, girl, with strategy.

Pray for them, not about them. Swap “Lord, baguhin mo siya” with “Lord, heal his heart. Allow him to seek You too.” Prayer becomes magic when it’s for them, not against them. Sometimes the shift isn’t in their heart, it’s in yours. 𝗠𝗮𝘁𝘁𝗵𝗲𝘄 𝟱:𝟰𝟰? “𝗣𝗿𝗮𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗼𝘀𝗲 𝘄𝗵𝗼 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗲𝗰𝘂𝘁𝗲 𝘆𝗼𝘂.” Boom. Even if they never change, your heart does. Slowly, beautifully.

And girl, protect your peace. Forgiveness doesn’t mean tolerating abuse. It’s releasing resentment while keeping your crown intact. Reconciliation is earned; forgiveness is cultivated in your heart.

Listen up… healing isn’t on you, God’s got that. Forgiveness? Hindi ‘yung “Fine na ako,” kundi yung tahimik mong sabi, “Lord, tulungan mo akong bumangon ulit.” Past mo? Not a scar, it’s your glow-up fuel. Forgive, and you’re not weak… you’re showing the world love that survives, shines, and slays, all at once.

𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐂𝐡𝐞𝐜𝐤 & 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐓𝐮𝐫𝐧

Kung pakiramdam mo hindi mo na kayang magpatawad, pause muna. Hindi hinahanap ni Lord ang perfect, ang gusto Niya presence mo. He’s not just the God who starts stories; Siya rin ang Diyos ng mga pangalawang pagkakataon na hindi mo alam na kailangan mo.

At kung ikaw na lang lagi ang humihila ng marriage papunta sa ayos, breathe din. Hindi mo kailangang buuin lahat today. Minsan isang maliit na movement toward healing, enough na para may mabago. Hindi nawawala ang love. Minsan naliligaw lang, kailangan lang ng tamang direction para bumalik sa pulso.

Hanggang dito na lang talaga tayo..Hindi na ito galit, Hindi na rin ito luha o hinanakit...Isa na lang itong payapang pa...
19/11/2025

Hanggang dito na lang talaga tayo..
Hindi na ito galit, Hindi na rin ito luha o hinanakit...

Isa na lang itong payapang pagtanggap na may mga bagay talagang hindi kailangang ipaglaban habangbuhay...

Napagod din ako sa lahat, hindi biglaan,
hindi dahil sa pagkukulang, kundi dahil sa unti-unting pagkawala ng dahilan kung bakit tayo nagsimula...

Araw-araw ko itong tinimbang,
Pinilit kong balikan kung paano kita minahal, pero ngayon, ang natitira na lang sa puso ko ay pagpapanggap na kaya ko pa, kahit alam kong wala na talaga...

Tinanggap kong hindi lahat ng pagmamahal ay may kasunod na "habambuhay."

Minsan, sapat na yung minahal kita sa panahon na pareho pa tayong sigurado.

At ngayong wala na yung sigurado, ang tanging tama na lang ay yung piliin ang sarili.

Wala na akong sama ng loob, hindi na rin maghahabol, tanging pasasalamat na lang sa mga alaala,

at katahimikan sa desisyong tapusin kung anong hindi na kayang buuin.

Hanggang dito na lang talaga tayo,
Wag natin pahirapan ang sarili natin,
Palayain na natin ang isa't isa para gumaan ang lahat...

-ARTC-

17/11/2025

Darating talaga yung araw na mag-aaway kayo araw-araw.

Darating yung time na puro galit na lang yung mangingibabaw.

Minsan aabot pa sa punto na pareho niyo nang gustong umayaw.

Walang intindihan ng side, walang may gustong magbaba ng pride.

Tipong pag-aawayan niyo kahit sobrang liit na bagay.
Hanggang sa dun na lang kayo masanay.
Tipong konting mali lang away agad automatic.

Ganun yung pakiramdam ng relasyon na sobrang toxic.
'Yan yung bagay sa relasyon na hindi natin pwedeng takasan.
Lahat nagdadaan sa ganyan.

Wala kasing relasyong perpekto. Lahat ng relasyon umaabot sa ganitong punto.
Pero ito kasi yung punto, kapag kasi nag-stay tayo sa isang tao dun tayo mas natututo. Hindi mo ba napapansin?

Kahit palagi kayo magkaaway ng partner mo kayo pa din?
Normal lang naman kasi yun kung tutuusin.
Malaking tulong ba talaga yung hiwalayan?
Kapag ba nakakilala ka ng iba hindi mo ba yun mararanasan?

Nagegets mo ba yung punto?
Na kahit sino pang maging jowa mo, aabot at aabot kayo sa punto na palagi kayong magtatalo.

Kaya kung sino ang sumuko, siya yung talo.
Iniisip kasi nila na hindi nila mararanasan yung away-bati sa ibang tao. Kaya sana maintindihan niyo na hindi solusyon ang pagsuko kapag hindi niyo na maintindihan partner niyo.

Hindi na tayo mga bata, wag niyong gawing solusyon sa problema ang pakikipaghiwalay.
Tandaan niyo, walang relasyon na walang away.
Wala ring away kung walang pasaway.

-ARTC-

17/11/2025

2025
THE MOST PAINFUL YEAR

17/11/2025

Kapag bumuo ka na ng pamilya,
ibig sabihin PRIORITY mo na sila ..
SILA ~ ang asawa at mga anak mo.

Very wrong ka kung inuuna mo ang iba kesa pamilya mo..
Very wrong ka kung galante ka sa iba tapos tinitipid mo ang pamilya mo..
Very wrong na nagpapagabi ka kasama ang iba habang puyat kakahintay sayo ang mag ina mo..
Very wrong ka kung masaya ka sa barkada pero laging mainit ang ulo mo kapag nasa bahay ka...

Hindi masama ang barkada at pakikisama..

pero know your PRIORITIES MAN!

‘yang mag ina mo, sayo lang nakasandal yan. Wala ng iba.
Kaya sana ipadama mo sakanila na nandiyan ka, na kasama ka nila,
na kakampi ka nila,
na masaya ka sakanila.

Bumuo ka ng pamilya diba?
Natural lang na responsibilidad mo sila.

-ARTC-

Address

765 Purok 6 Cupang
Muntinlupa City
1771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taludtod ng Puso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category