22/09/2025
๐๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ต๐ป๐ฒ๐ป๐ฒ
Masyado kang mahal.
At dahil kaarawan ng taong ipinaglaban at ipinagsigawan narito ang pagbati ng pakikibaka.
Protesta ang ibigin ka sa gitna ng Luneta. Panata ang piliin ka sa kabila ng korapsyon. Simple ang hiling ng isang payak na raliyistang gaya ko---marinig ang boses ng pagsinta. Ang magnakaw ng sandali nawa'y hindi mo ikagalit. Sambit ng aking labi'y ibaba ang presyo ng Daphnene, sigaw ng puso ko'y labis kang mahal. Mabigat ang buwis na ipinatong sa'yong balikat ng gobyerno. Ngunit, hindi nakakahiyang pagsaluhan ang fishball, kikiam, tokneneng, kwek-kwek at kalamares. Ang tunay na nakakahiya ay ang pagtuhog ng higit sa binayaran, parang tiwali at kawatan sa pamahalaan.
Muli, maligayang kaarawan sa dilag na inalayan ng tula at awit sa paglayang minamahal.