TULA ni Aksel

TULA ni Aksel Sa pagbukas mo sa aking pahina, sana'y may makuha kang pahinga : )

Sa kabila ng mga matitingkad at makukulay na bulaklak sa daan, mga matatamis na tsokalate at naglalakihang regalo na dal...
14/02/2026

Sa kabila ng mga matitingkad at makukulay na bulaklak sa daan, mga matatamis na tsokalate at naglalakihang regalo na dala ng iba, nawa'y magustuhan mo sana ang ibibigay ko simpleng papel na punong puno ng titik...

Pero ito yung mga titik na hindi lang basta letra, ito ay punong puno ng pagmamahal at pasasalamat dahil nakasama kita.

Pasensiya ka na ha, ayun pa lang kasi yung kaya kong ibigay, hayaan mo sa susunod na araw ng mga puso, pag-iipunan ko na ang lahat :))

Maligayang Kaarawan ng Puso, mga makathula! ☺️❤️‍🩹

ᴋᴜᴍᴜsᴛᴀ ᴀɴɢ ᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ ʙᴜᴡᴀɴ, ᴀɴɢ ɪʏᴏɴɢ ɪᴋᴀ-ᴀᴘᴀᴛɴᴀᴘᴜ'ᴛ ᴛᴀᴛʟᴏɴɢ ᴀʀᴀᴡ ɴᴀ ʟᴜᴍɪᴘᴀs? ᴍᴀᴀʏᴏs ɴᴀ ʙᴀ, sᴜᴍᴀɴɢ-ᴀʏᴏɴ ɴᴀ ʙᴀ sᴀʏᴏ ᴀɴɢ ʙ...
12/02/2026

ᴋᴜᴍᴜsᴛᴀ ᴀɴɢ ᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ ʙᴜᴡᴀɴ, ᴀɴɢ ɪʏᴏɴɢ ɪᴋᴀ-ᴀᴘᴀᴛɴᴀᴘᴜ'ᴛ ᴛᴀᴛʟᴏɴɢ ᴀʀᴀᴡ ɴᴀ ʟᴜᴍɪᴘᴀs? ᴍᴀᴀʏᴏs ɴᴀ ʙᴀ, sᴜᴍᴀɴɢ-ᴀʏᴏɴ ɴᴀ ʙᴀ sᴀʏᴏ ᴀɴɢ ʙᴀᴡᴀᴛ ᴍɪɴᴜᴛᴏ ᴀᴛ sᴇɢᴜɴᴅᴏ, ᴜᴍᴀᴀʏᴏɴ ɴᴀ ʙᴀ?

ᴀʟᴀᴍ ᴋᴏɴɢ ᴍᴀʜɪʀᴀᴘ ᴀᴛ ᴍᴀʙɪɢᴀᴛ, ᴘᴇʀᴏ ʟᴀɢɪ ᴍᴏɴɢ ᴛᴀᴛᴀɴᴅᴀᴀɴ ɴᴀ ᴋᴀʜɪᴛ ᴍᴀʜɪʀᴀᴘ, ᴋᴀʜɪᴛ ᴍᴀsᴀᴋɪᴛ ᴀʏ ᴋᴀɪʟᴀɴɢᴀɴ ᴍᴏɴɢ ᴍᴀɢᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ ʜɪɴᴅɪ ᴅᴀʜɪʟ ᴍᴀʏ ɴᴀɢʜɪʜɪɴᴛᴀʏ ᴏ ʜɪɴᴅɪ ᴅᴀʜɪʟ ᴋᴀɪʟᴀɴɢᴀɴ ᴀʙᴜᴛɪɴ ᴏ ᴘᴀᴛᴜɴᴀʏᴀɴ ᴋᴜɴᴅɪ ᴘᴀʀᴀ sᴀ ᴍᴀs ᴍᴀɢᴀɴᴅᴀ ᴀᴛ ᴍᴀᴀʏᴏs ɴᴀ ᴋɪɴᴀʙᴜᴋᴀsᴀɴ.

ʜᴜᴡᴀɢ ᴍᴏɴɢ ʜᴀʏᴀᴀɴɢ ᴍᴀsᴀʏᴀɴɢ ᴀɴɢ ʟᴀʜᴀᴛ ᴅᴀʜɪʟ ʟᴀɴɢ sᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɢsᴜᴋᴏ, ᴋᴀʜɪᴛ ɴᴀᴘᴀᴘᴀɢᴏᴅ, ɴᴀᴜᴜʙᴜsᴀɴ ᴀᴛ ɴᴀᴡᴀᴡᴀʟᴀɴ, ɪᴋᴀ'ʏ ᴍᴀɢᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ, ɪᴋᴀᴡ ᴀʏ ᴋᴜᴍᴀᴘɪᴛ ɴɢ ᴍᴀʏ ɴɢɪᴛɪ sᴀ ʟᴀʙɪ ᴀᴛ ᴘᴀʟᴀɢɪɴɢ ᴍᴀɴᴀʟɪɢ ɴɢ ᴍᴀʏ ᴘᴀɢ-ᴀsᴀ.

ᴡᴀʟᴀɴɢ sᴀʏᴀɴɢ ᴋᴀᴘᴀɢ ᴘᴀʟᴀɢɪɴɢ ɴᴀᴋᴀᴋᴀᴘɪᴛ sᴀ ɴᴀɢʙɪʙɪɢᴀʏ ɴɢ ᴘᴀɢ-ᴀsᴀ. ɴɢᴀʏᴏɴ ᴋᴀ ᴘᴀ ʙᴀ sᴜsᴜᴋᴏ ᴋᴜɴɢ ᴋᴀɪʟᴀɴ ᴍᴀʀᴀᴍɪ ᴋᴀ ɴᴀɴɢ ɴᴀʟᴀᴍᴘᴀsᴀɴ, ᴍᴀʀᴀᴍɪ ᴋᴀ ɴᴀɴɢ ɴᴀᴘᴀɢᴛᴀɢᴜᴍᴘᴀʏᴀɴ, ᴍᴀʀᴀᴍɪ ᴋᴀ ɴᴀɴɢ ɴᴀᴛᴀᴘᴏs ᴀᴛ ɴᴀᴘᴀɢᴅᴀᴀɴᴀɴɢ ᴘʀᴏʙʟᴇᴍᴀ?

ᴅᴀʜɪʟ ɴᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ᴀᴋᴏ sᴀ ᴋᴀᴋᴀʏᴀʜᴀɴ ᴍᴏ, ᴋᴀsɪ ᴀʟᴀᴍ ᴋᴏɴɢ ᴋᴀʏᴀ ᴍᴏ! ᴋᴀʏᴀ ᴍᴏɴɢ ᴍᴀɢᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ ᴋᴀʜɪᴛ ɴᴀʜɪʜɪʀᴀᴘᴀɴ ᴀᴛ ɴᴀʙɪʙɪɢᴀᴛᴀɴ...

𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗸𝗼 𝗵𝗮, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻!

- TULA ni Aksel

Ngayong taon masasabi kong sobrang mabigat at naging mahirap. Maraming iyak ang naipon, maraming mga luha ang biglang pu...
31/12/2025

Ngayong taon masasabi kong sobrang mabigat at naging mahirap. Maraming iyak ang naipon, maraming mga luha ang biglang pumapatak, mga tahimik na sigaw sa silid na tila kulungan o preso ng kalungkutan.

Madalas na ngang mapag-isa sa kwarto upang mapag-isipan kung tutuloy at lalakad pa ba sa landas na dinaraanan ko, masyado kasi tayong nilunod ng taong ito, inubos ang lahat nang lakas na mayroon tayo, at tinangay nang malakas na hangin ang gusto natin gawin para sa taong bente at bente singko.

Pero sino ba naman tayo para tutulan at tuldukan ang landas na tinahak na mayroon tayo, ang kailangan lang ay magpatuloy at umasa palagi sa Kaniya, sa Itaas na pinagmumulan ng mga masasagang biyaya at lakas.

Kaya para sa isang katulad mo, masasabi ko lang na...
"Uy salamat ha kasi kinaya mo kahit sobrang hirap ng taong 2025"

- Tula ni Aksel

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung "Kumusta ka na?" Kasi ako... sa mundo ko? tila ba nakakulong sa rehas ng kalungk...
21/10/2025

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung "Kumusta ka na?"

Kasi ako... sa mundo ko? tila ba nakakulong sa rehas ng kalungkutan na ang hirap kumawala kasi wala na, wala na bang pag-asa?

Sa mundong aking ginagalawan ang palaging sigaw ng aking puso't isipan ay "hanggang kailan?????"

Hanggang kailan ko uunawain ang nangyayari? hanggang kailan ko iisipin kung kakayanin ko pa ba o bibitaw na lang? puro na lang "unawa at intindi" sa iba pero paano naman ako? paano naman yung sarili ko?

Puro na lamang iba, paano ako? paano ang sarili ko? Napapagod din naman ako, nauubos at nauubos, hindi palaging may apoy, hindi palaging matikas at malakas, tao lang rin naman ako...

* "Sana sa susunod maintindihan na nila ako, maunawaan nila na napapagod din ako"

- TULA ni Aksel

Puro na lang "ayos lang o okay lang" pero ang totoo hindi na talaga, hindi na talaga ayos at okay. Pinipilit na lang ang...
19/10/2025

Puro na lang "ayos lang o okay lang" pero ang totoo hindi na talaga, hindi na talaga ayos at okay. Pinipilit na lang ang lahat, nakiki-ayon na lang kahit mahirap, kahit masakit.

Bakit ganoon? Bakit mahirap itago? Bakit mahirap ikubli ang mga pekeng ngiti. Kahit nakasuot ng maskara ay hindi na natatakpanang sakit, ang sugat na nakaukit sa mukha at damdamin.

– "Nawa'y matapos at malampasan natin ito... Isang mahigpit na yakap para sa katulad kong nahihirapan nang ikubli ang lahat."

- TULA ni Aksel

Madalas kong tanungin ang sarili ko... "Kaya ko pa ba? o Kinakaya ko na lang kasi ganoon talaga?"Hindi ko alam pero kasi...
14/10/2025

Madalas kong tanungin ang sarili ko... "Kaya ko pa ba? o Kinakaya ko na lang kasi ganoon talaga?"

Hindi ko alam pero kasi parang tuluyan na yata akong nawawalan ng pag-asa sa "pagbabago" gusto kong makamit. Maraming senyales na gusto ko nang ihinto, gusto ko ng tumigil dahil 'di rin naman ako makatakas o makausad sa kalungkutan aking nararamdaman.

Hanggang kailan ko kakayanin, hanggang kailan ko pipiliting kayanin?

- TULA ni Aksel

Ilang bukas pa ba ang HIHINTAYIN❓❓Ilang bukas pa ang hihintayin ko para makatawid sa tulay na gusto ko? ilang bukas pa p...
16/09/2024

Ilang bukas pa ba ang HIHINTAYIN❓❓

Ilang bukas pa ang hihintayin ko para makatawid sa tulay na gusto ko? ilang bukas pa para makaahon?

Nakakapagod palang magsabi na "oks lang, kaya ko pa" "ano ka ba, wala ito" kahit hindi naman na, kahit susuko na, kahit bibitaw na, ang hirap magpanggap at magtago ng emosyon sa mundong mapanghusga. 😣

Ilang bukas pa? sana'y makuha ko na ang hinahangad kong bukas 😕

ni Aksel

Haggang kailan‼️Sa mundong ginagalawan natin, mahirap gumalaw kung walang taga-alalay, walang kaagapay, walang gabay, pi...
14/09/2024

Haggang kailan‼️

Sa mundong ginagalawan natin, mahirap gumalaw kung walang taga-alalay, walang kaagapay, walang gabay, pilit kang lalaban kahit nahihirapan, pipiliting lumaban kahit hindi na kayang ipaglaban!

MAHIRAP LUMABAN KAPAG IKAW LANG! ☹️

- TULA ni Aksel

At sino nga ba❓Lahat tayo ay nakakaranas ng kalungkutan, ngunit sino ang tanging maasahan sa tuwing nais mong makipagkwe...
10/09/2024

At sino nga ba❓

Lahat tayo ay nakakaranas ng kalungkutan, ngunit sino ang tanging maasahan sa tuwing nais mong makipagkwentuhan tungkol sa iyong mabigat na nararamdaman? 🙁

ni Aksel

Address

23 Diamond Street Minahan Interior, Malanday
Marikina City
1805

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TULA ni Aksel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category