by.cej art and stuff

26/05/2026
wabi
26/05/2026

wabi

Kaibigan, sa haba ng panahon na hindi pinagtagpo ang ating mga landas, sa tuwing nag-iisa ay binabagabag pa rin ako ng p...
04/07/2025

Kaibigan, sa haba ng panahon na hindi pinagtagpo ang ating mga landas, sa tuwing nag-iisa ay binabagabag pa rin ako ng palaisipang kayang mapagtagumpayan ng damdamin ang tadhana, na kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na walang natatapakang kahit na ano o sino.

Walang makapagsasabi o makaiintindi katulad ng pagkakaunawa ko, na tayong dalawa ay tila mga bituing may kanya-kanyang lugar sa kalangitan. Hindi iisa ang tadhana at ang damdamin, na minsa'y ang kinalalabasan ay hindi naaayon sa tunay na kagustuhan. Ang nilalaman ng puso ay iba sa nilalaman ng isip, at ang gamitin ang isip higit sa puso ay isang paraan ng pagdepensa sa mga sakit na parating.

Kaakibat ng paglipas ng panahon ay ang iba’t-ibang uri ng pagbabago, sa'yo, sa'kin, at sa mundo. Naging abala sa kanya-kanya nating mga buhay. Ngunit kaibigan, ang ngayon ay isa lamang patunay na inuulit ko, magkaiba ang tadhana sa damdamin. Hindi nakisama sa pagbabago ang hindi makawalang pag-ibig , ang pusong di makalimot, ang damdaming hindi na umaasa, ngunit nananatili, at alam kong mananatili pa.

25/05/2025

Address

Marikina City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when by.cej posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to by.cej:

Share