11/07/2026
✧ LAKAD 2: PAG-ASA ✧
Alam ko na, inibig agad kita kasi,
And’yan ka nung ako’y mag-isa.
Bitbit mo ang aking mga dala,
Gamit, pagdududa, tawa at galit.
Ngunit ngayon ako’y mag-isa,
Mag-isang bitbit ang mga dala-dala.
Patuloy na nagdududa, nag-iisip pa.
Mag-isang tumatawa at iniisip na andiyan ka.
At kahit na mag-isa na lang,
Patuloy na umaasa.
Baka and’yan ka,
Baka nanonood ka.
At sa bawat ulan,
Dati ako’y iyong pinapayungan.
Kala ko ako lang ang mababasa,
Pati ang mga pangako mo pala.
Pero hindi bibitiw,
Patuloy na kakapit at aasa.
Baka kasi gusto mo pa.
Baka kasi makasama pa kita.
Iaalay ko ang lahat.
Makasama ka lang muli.
Marinig ko lang muli ang halakhak mo,
At maramdaman ko lang muli ang yakap mo.
Sa tuwing nagsasabay ang ating yapak.