28/05/2026
habang ikaw ay humahakbang papalayo
sa ating naturingang pahinga,
ako’y nananatiling anino
ng bahay na tuluyan mo'ng nilisan
tinawag natin itong pahinga,
ngunit sa akin, ito na ay bilangguan—
ang bawat tahimik mong hakbang
ay tanikala sa paa kong ayaw pa ring kumawala.
nais kong kumawala sa rehas na nakagapos,
ngunit masasayang alaala’y hindi matapos-tapos.
siguro nga, ganito na lang—
maging alipin ng minsan nating naging pag-ibig,
na hindi ka na kabilang