22/03/2025
BATA, BATA, LUMAPIT KA
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” - Mateo 19:14
Lubos na ikinagalak ng Sagrada Art Society ang pagsali ng mga batang sina Yui (9), Yukki (6), at Therese ( 8 ). Sa murang edad ay nahahasa na ang kanilang galing sa sining at nakapagbukas ng pinto upang harapin ang talentong ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Isa rin itong oportunidad upang mas mapalapit ang mga batang ito sa Simbahang Katolika at mas mapalalim ang kanilang pag-intindi sa simbahan. Sabi nga ni Hesus, hayaan natin ang mga bata na lumapit sa simbahan. Isa itong pagkakataon upang tahakin nila ang tuwid na landas at mas mapamahal sa ating Panginoon habang sila ay mga bata pa lamang. Ang art class ng Sagrada Art Society ay isang instrumento upang mapalapit ang mga bata at matanda sa Panginoon. Nakasama rin noong nakaraang linggo si Gwen, Izy, at Kuya Nilo sa idinaos na art class.
Patuloy ang aming grupo sa paghikayat sa kahit anong edad, bata man o matanda, na sumali sa aming art class tuwing Linggo na ginaganap sa Big Banquet Hall (BBH) ng MIP, alas-diyes (10:00 am) ng umaga hanggang alas-dos (2:00 pm) ng hapon. Ito na ang iyong senyales na hinihintay. Sali na sa amin!