Dear Diary

Dear Diary Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dear Diary, Arts and entertainment, Maharlika, Manila.

Aswang sa Peep Hole door.Dear Diary.Please hide my identity..Call me, Jera nakatira ako sa Maynila pero hindi ko na baba...
13/11/2025

Aswang sa Peep Hole door.

Dear Diary.

Please hide my identity..

Call me, Jera nakatira ako sa Maynila pero hindi ko na babanggitin kung saang eksaktong lugar dahil marami ang hindi naniniwala o mayroon din namang kakaunting naniniwala,

Akala ko sa kwento lang yun nangyayari pero totoo palang may aswang sa siyudad.

Nag boboard lang ako sa isang maliit na apartment, dalawa kami ng ka work mate ko na babae din, minsan nagsasabay kami ng schedule pero minsan ay mag kaiba, kaya minsan naiiwan ako mag isa sa gabi,

Isang hapon bandang alas singko pag out ko sa trabaho, wala na kong time mag luto ng hapunan kaya naman bumili nalang ako ng ihaw ihaw sa kanto at pag uwi ko sa bahay ay nagsaing nalang ako ng kanin.

Mag aalas siyete ng gabi ng makakain ako at makapag ayos para matulog na,

sa kasarapan ng tulog ko, naalimpungatan ako dahil may naririnig akong nagbubukas ng pinto, dahil sanay akong matulog ng walang liwanag ay madilim ang buong kwarto,
nang buksan ko ang cellphone ay mag aalas dos palang ng madaling araw kaya nag tataka ako kung sino ba itong nag bubukas ng pinto, Kung yung ka board mate ko ay mukhang malabo dahil mamaya pang alas sais ng umaga ang uwi nun,

dahan dahan akong bumangon at lalapitan ko sana ang pinto para buksan, pero naalala ko na baka hindi yun si Joan, nag antay pa ako ng ilang minuto at pigil hininga dahil kung si Joan yun hindi yun mahihirapan magbukas dahil may sarili naman siyang susi, ngunit mas lalo akong nagtaka at bahagyang kinabahan ng narinig ko na tila pinupwersa na iyong buksan ng kung sino man na nasa labas ng pinto, dahan dahan pa akong lumapit sa pinto, mayroon iyong peep hole sa gitna kaya naman sinubukan kong silipin kung sino o ano ang nagbubukas ng pintuan,

Ngunit muntik na akong mapasigaw ng makita ko buhat sa peep hole ang hitsurang hinding hindi ko makakalimutan sa buhay ko,

kalbo ang nilalang na tila payat na payat at natutuyo ang balat ,nakita ko rin ang ngipin nitong parang sa lagari ang hitsura at may napakahabang matulis na dila na may malapot at tumutulong laway, napatingin pa nga iyon sa peep hole at doon ko nakita ang p**ang p**a nitong mata na nanlilisik, gusto kong maiyak sa takot akala ko nananaginip lang ako kaya sinampal ko pa ang pisngi pero masakit at totoo pala, hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung bakit iyon nag pupumilit na pumasok sa kwarto namin,

Takot na takot ako at tanging panalangin ang naisip kong gawin, sa sobrang iyak ko hindi ko namalayan na may nagising pala sa katabing pinto ng apartment, nakarinig nalang ako ng sigaw ng boses ng isang lalake na parang may kaaway dahil nagmumura ito,

maya maya pa ay may kumatok sa pinto, tinatawag nito ang pangalan namin ni Joan, at napag alaman kong si Alex iyon ang kalapit pinto ng apartment, ng mapag alaman kong siya ay dahan dahan kong binuksan ang pinto,

bumungad sa akin si Alex na may hawak pang itak habang tila nag aalala itong nagtanong,

"Jera, ikaw lang ba ang mag isa dyan, kanina may nilalang na gusto kang pasukin dyan, mabuti nalang at nagising ako at ng makita ko sa bintana kung ano yun, kumuha ako ng itak, naramdaman ata ako ng nilalang kaya ng nilabas ko ay nakita ko ng dumaan dyan sa terrace"

turo pa nito, habang nagpapaliwanag

Tumango ako habang patuloy na umiiyak,

"Alex salamat, grabe ang takot ko kanina hindi ko alam ang gagawin ko buti nalang pala at nagising ka din,

Naluluha ko pang sabi,

"Sige na pumasok kana sa kwarto niyo, ilock mong maigi ang pinto, kung maari magtabi ka ng bawang at asin sa higaan, hindi natin alam baka bumalik pa ang aswang na yon, Bilin nito

medyo nahimas masan na ako nun kaya pumasok na ako sa kwarto halos hindi na ako nakatulog ng buong gabi, hindi ko malaman kung bakit may nilalang na gusto akong pasukin,.

Kinaumagahan habang nag aalmusal doon mo napag alaman na isang buwan na nga pala kong delayed, para makumpirma maaga palang ay bumili na ako ng PT at doon ko napag alaman na buntis nga ako, Kaya pala,

Nang dumating si Joan ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari, halos hindi pa nga siya naniwala mabuti nalang at nandoon din si Alex noong umagang dumating siya kaya may nagpapatunay na totoo ang mga nakita ko,

Akala ko sa kwentong probinsya lang ang aswang pero mayroon din pala sa siyudad,.

Address

Maharlika
Manila

Telephone

+639199283648

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dear Diary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Dear Diary:

Share