05/07/2026
⚔️ Warfreaks Guild Lore ⚔️
Once upon a time in CBM, kami ay mga manlalaro na madalas ma kick dahil sa pagka busy at matagal na pagbabalik online. Pero mula sa karanasang iyon, ipinanganak ang Warfreaks Guild — ang guild para sa mga mandirigmang may real life pero ayaw pa ring sumuko sa game life. 💪💻🖥️
Dito, hindi ka tatanggalin dahil lang nag Netflix ka ng tatlong araw straight. Commitment lang ang puhunan, kahit minsan ang stats ng char mo parang “pampalubag loob” lang. 🫣
Then came the EliteArmy merge — parang DLC na hindi mo alam na kailangan mo. Biglang naging active ang lahat sa DGs at guild activities. At dahil karamihan sa amin ay galing na sa Cabal PC, KR, PH, at SEA, solid na agad ang samahan. 💪☺️
Ngayon, ang Warfreaks ay higit pa sa guild — ito ay pamilya. Comedy show na may halong teamwork. Meet the cast:
🙋 Low key mumu — tahimik pero biglang magbubuhat ng buong party.
💁 Not so mumu — chill lang, pero kapag nagyaya ng DG, parang “Avengers assemble!”
🎥 Makukulit — laging maingay sa GC, parang may sariling podcast.
🎤 May singer na biglang mag concert sa discord, at dancer na parang TikTok ready kahit nasa dungeon run.
Tahimik kami sa labas, pero kapag guild activity na, parang fiesta — lahat G agad. Ang Warfreaks ay hindi lang pangalan, ito ay samahan, tawanan, at lakas ng mga mandirigmang hindi basta basta sumusuko.
Sa Warfreaks, ang panalo ay hindi lang loot o damage. Ang tunay na panalo ay ang mga taong kasama mong lumalaban.
MissZypphie xLazyOne MrPong Kenneth Dizon Prenda