23/08/2026
REFUSE ABUSE | enditnow
CLC Area 3
Ngayong araw, sama-sama tayong naglakad hindi lamang para magbigay-kaalaman tungkol sa abuso, kundi para manindigan laban dito.
Sa ating mensahe, ibinahagi ang isang simpleng katotohanan:
Kung gusto nating wakasan ang abuso, kailangan nating magsimula sa pag-ibig.
Sabi ni Jesus:
“Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip, at buong lakas… at mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” — Marcos 12:30–31
Kapag tunay nating minamahal ang Diyos, matututo tayong mahalin at igalang ang Kanyang nilikha.
Kapag puno ng pag-ibig ng Diyos ang ating puso, wala nang lugar para sa pananakit, pang-aabuso, pananakot, at pagmamalupit.
Kaya ang panawagan satin:
Mahalin natin ang Diyos.
Mahalin natin ang kapwa.
Protektahan natin ang naaapi.
At REFUSE ABUSE.
“Matutong gumawa ng mabuti; hanapin ang katarungan; tulungan ang naaapi.” — Isaias 1:17
Ang paglalakad natin ay natapos ngayong araw, pero ang mensahe ay dapat nating dalhin sa ating tahanan, relasyon, simbahan, at komunidad.
Kung gusto nating wakasan ang abuso, magsimula tayo sa pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.