14/04/2026
“HINDI NAMIN ITO SUSUPORTAHAN”
READ: Nagpahayag ng pagtutol ang pamahalaang lungsod ng Davao City sa planong pagtatayo ng mga pasilidad militar ng dayuhan sa loob ng kanilang nasasakupan.
Ayon sa kanilang pahayag, “Kung ang naturang plano ay hindi makakatulong na mabawasan ang epekto ng nagpapatuloy na sigalot sa Gitnang Silangan—tulad ng pagbaba ng presyo ng langis at mga bilihin, at pagaan ng kalagayan ng pamumuhay ng mamamayan—hindi namin ito susuportahan.”
Inilabas ng lokal na pamahalaan ang pahayag matapos tanggapin ng Armed Forces of the Philippines ang panukala ng United States na magtayo ng bagong refueling depot sa Mindanao pagsapit ng 2028.
📁: FB/City Government of Davao