06/08/2026
🟡 KARGADO METRO MANILA 🟡
Alhamdulillah!
Isa na namang masayang pagkakataon ang ating pagsasaluhan na tiyak na magiging bahagi ng ating mga alaala bilang isang pamilya. Muli nating mararanasan ang kulitan, asaran, kwentuhan, at higit sa lahat ang tunay na diwa ng kapatiran, respeto, at pagkakaisa.
Inaanyayahan ang lahat sa ating Tambike Night.
📅 Petsa: August 10, 2026 (Lunes)
🕗 Oras: 8:00 PM – 11:00 PM
📍 Lugar: Novaliches Bayan, Side of McDonald’s, Quezon City
Ang ating mga Officers ay personal na dadalo upang makasama ang bawat isa.
Bukas ang tambike na ito para sa lahat.
Anuman ang inyong relihiyon, lahat ay malugod naming tinatanggap. Dito sa Kargado Metro Manila, ang pinapahalagahan natin ay ang pagkakapatiran, paggalang sa isa’t isa, at pagkakaisa.
Kaya tara na mga utol! Magkita-kita tayo at sama-sama nating patibayin ang samahan ng Kargado Metro Manila.
“Isang Kapatiran. Isang Layunin. Isang Kargado.”