03/06/2026
As a trader, content creator, and entrepreneur, maraming makaka-relate dito.
Hindi lang ito tungkol kay Ser Geybin. Nangyayari ito sa maraming tao na biglang naging provider, breadwinner, o taong maraming umaasa.
Sa umpisa, ang motivation mo ay pangarap. Pero habang tumatagal, napapalitan ito ng obligasyon.
-kailangan kumita.
-kailangan may bagong content.
-kailangan may maibigay sa pamilya.
-kailangan may maipadala sa mga tinutulungan.
-kailangan hindi mawala ang momentum.
At doon nagsisimula ang pressure.
Bilang trader, alam natin ang pakiramdam na kahit gusto mong magpahinga, pakiramdam mo may mamimiss kang opportunity. Kahit burnout ka na, magbubukas ka pa rin ng chart. Kahit pagod ka na mentally, maghahanap ka pa rin ng setup.
Bilang content creator, pareho rin.
Kapag isang araw kang walang upload, iniisip mo:
-baka bumaba ang views.
-baka mawala ang engagement.
-baka makalimutan ka ng audience.
-baka bumaba ang income.
Unti-unti, ang bagay na dati mong mahal gawin ay nagiging responsibilidad na lang.
Ang delikado rito, madalas hindi katawan ang unang bumibigay. Isip muna.
Anxiety.
Panic attacks.
Insomnia.
Overthinking.
Constant feeling na may humahabol sa'yo kahit wala naman.
Maraming successful people ang mukhang okay sa social media pero pag sila na lang mag-isa, dala nila ang bigat ng expectations ng lahat ng umaasa sa kanila.
Kaya mahalagang tandaan:
Hindi sukatan ng sipag ang pagkapuyat.
Hindi sukatan ng tagumpay ang pagiging pagod.
Hindi rin selfish ang magpahinga.
Sa trading, alam natin na hindi lahat ng galaw kailangan pasukin.
Sa buhay, hindi rin lahat ng responsibilidad kailangang akuin mag-isa.
Minsan ang pinakamagandang trade ay walang trade.
at minsan ang pinakamagandang desisyon ay magpahinga muna para makabalik nang mas malakas.
Ang pera, followers, views, at profits puwedeng mabawi.
Pero kapag mental health na ang tuluyang bumigay, mas mahirap na itong ayusin.
Kaya para sa mga traders, creators, at breadwinners na tahimik na lumalaban araw-araw:
Hindi masama ang magpahinga.
Hindi ka machine.
At hindi mo kailangang pasanin mag-isa ang buong mundo. 💙