29/05/2026
โ ๐๐ค๐๐ฅ๐ ๐ค๐จ ๐๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ ๐ฌ๐๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐? โ
โ
โSinambit mo ang mga salitang minsan kong pinanghawakan noong mga gabing wasak na wasak ang aking pag-iisip. Akala ko, sa bawat katagang namumutawi sa iyong labi ay may katumbas na katotohanan. Ngunit bakit habang tumatagal, unti-unti mong kinakain โang mga sarili mong sinambit?
โ
โHindi ko mawari kung bakit kailangan mo pang sambitin ang mga bagay na hindi mo naman kayang panindigan. Ginawa mo rin ang mga bagay na minsan mong ipinangakong iiwasan. Wala ka pa lang pinagkaiba sa mga taong pilit mong inilalayo sa akin.
โ
โAkala koโy ginagawa mo lamang iyon upang hindi tayo tuluyang masanay sa presensya ng isaโt isa. Akala koโy pansamantala lamang ang iyong paglayo, upang pagtuunan natin ang mga bagay na mas mahalaga. Ngunit ngayoโy malinaw na sa akinโ marahil hanggang simula lamang naging totoo ang lahat.
โNakita mismo ng aking mga mata
โkung paano mo dahan-dahang nilamon ang bawat salitang minsang nagpagaan sa aking kalooban. At sa bawat pagbalewala mo sa mga pangakong ikaw rin ang bumuo, unti-unti ring namatay
โang paniniwalang iningatan ko para saโyo.
โ
โNapakadaya mo kung iisipin.
โSapagkat hindi mo lamang sinaktan ang puso kong naniwalaโginawa mong kasinungalingan ang mga salitang minsaโy naging tahanan ko.
โ052326
โ- ๐๐ธ๐๐ธ๐ต๐ฎ๐ฒ -