Pilas ng Kahapon

Pilas ng Kahapon Ang bawat Kahapon ay minsang naging ngayon, datapuwa't ang bawat paglipas ay naging pagbangon.

20/04/2026

HINDI NA KITA MAHAL TULAD NG DATI

Ulan kaya'y patawarin ng lupa?
Kung siya'y tigang na't wala pa ring nakukuha?
Patak na hinihintay niya't makapagsasariwa,
Sa kaniyang tuyo't dalangin ay awa.

Ako kaya'y patawarin mo mahal,
Kung pagmamahal ko'y wala ng banal?
Kung pagsinta kong ibinigay, inialay,
Ay di na gaya ng dati ang ubod-taglay.

Hindi na kita mahal tulad ng dati,
Wala na ang parehong saya at pag ngiti.
Hindi na gaya ng dati ang liyag na pagsinta,
Ang pagmamahal noon ay totoong wala na.

Samakatuwid natagpuan ang sarili na,
Ang pag-ibig sa iyo'y naging lubusan pa.
Hindi na gaya ng dati ang pag ngiti,
Dahil mas naging matamis ang imahe ng labi.

Hindi na kita mahal tulad noon,
Mas iniibig ka't pinahahalagahan ngayon.
Hindi mo na mararanasan ang dating saya,
Dahil ang ngayon ay mas naging maligaya.

Sa piling kong nagmamahal, umiibig sa iyo,
Hindi gaya ng dati, mas buo na ito.
Mas handa at mas kontento,
Hindi perpekto pero totoo, ang pag-ibig na tanging para sa'yo.

-PilaK

09/04/2026

LIBRO

Balang araw, matatapos ang pahina ng buhay ko,
At alam kong ikaw ang pinakamagandang kabanata nito.

Hindi lang dahil sa mga masasayang alaala,
Kundi dahil sa mga pinagsaluhan natin nang magkasama.

Binigyan mo ng kahulugan ang bawat bahagi ng aking kwento,
Na minsang naging walang kabuluhan at hindi kumpleto.

At kahit pa anong klase ang wakas ng aking libro,
Ang kabanata mo ang palagi kong paborito.

-PilaK

31/12/2025

HANGAD KO'Y IKAW

Ang tanging hangad ko'y ikaw,
Ngayon, bukas at sa magpakailanman,
Mundo ma'y gugunawin,
Ikaw ang ibig-mamahalin hanggang sa pagpanaw.

Ang pagtatapos ng taon ay simula ng bagong kabanata,
Ang pag-uumpisa ng kabanata ay ang pagbuo ng mga bagong pahina.
sa mga salita't talata,
Na ikaw at ako ang laman at nakalathala.

Ikaw noon, ikaw ngayon, ikaw sa lahat ng panahon.

Ikaw ang kasama sa pagtatapos ng taon na ito,
Nawa ang kasama'y ikaw,
Sa pag-uumpisa ng katapusan ko.

Mahal na mahal kita sa lahat ng dahilan at rason, iniibig kita sa lahat ng paraan at panahon.

01/10/2025

Nang magbalik ka

Ngayong magbalik kana,
Sa'ting tagpuan sinta,
Dala mo ang umaga,
Maging ang mga tala.

Dumaong sa tagpuang,
Pinagsaluhan nating minsan.
Sa dagat na kalmado,
Natagpuang muli ang “tayo”.

Ngayon, kahit gaano pa kalakas,
Ang along sa ati'y pilit kakalas;
Hinding-hindi na bibitawan,
Ang kamay mong muli nang nahagkan.

Sa dapit hapunan;

Paglubog ng araw ay wala ng bigat,
Gayong kapiling kana'y tuluyang sasapat,
Sa aking naghintay, nagmahal nang tapat,
Sa iyong hintay ko sa pinakalma mong dagat.

Hapunang DapitIyang pagsapit ng hapon sa dapit,Siyang pagpanaog ng araw sa ginintuang ikapipiit.Kahel sa dako,Nakadako s...
27/09/2025

Hapunang Dapit

Iyang pagsapit ng hapon sa dapit,
Siyang pagpanaog ng araw sa ginintuang ikapipiit.

Kahel sa dako,
Nakadako sa kahel.
Pagwawakas ng araw
Na ikaw ang lubos iniibig ng tanaw.

Irugin mong isabay,
Sa tuntuning mawawalay,
Ang pag-ibig nating ika'y ikagagabay,
Sa dadapit ng hapong gigintong kulay.

Tulad ng araw na sisibol muli,
Ang pagbabalik mong asam kong pagpili.
Gadagat ang kalmado,
Naghihintay sa layag mong dadako,
Sa bisig kong sarado, muling magpakalumo.

Mahal, sa iyong pagbabalik,
Nag-aabang yaring abang iyong taga-ibig,
Sa iyong pagpanhik muli nawa'y maramdaman,
Ang pag-ibig mong tunay na walang alinlangan.

Lumisan kang magbigay liwanag sa iba,
Bukas magbalik ka, pakahihintayin kita.

Dahil alam kong waring araw madarama ulit,
Ang pag-ibig mong tapat at walang pagpilit.

Dahil gaya ng sariwang hangin sa binaybayin,
Nais kong madama ang kapayapaan mong piling.

'pagkat sayo tanging itinangi, ang ipinakatangi-tanging pagtangi.

-PilaK

27/09/2025

Sa Pagbabalik Mo
sa panulat ni Binibining Tiffany

Mahal, minsan mo akong pinalaya…
at sa araw na iyon, nalunod ako sa dagat ng pangungulila.
Para akong bangkang iniwan sa gitna ng alon,
walang sagwan, walang direksyon,
tinangay ng agos hanggang sa halos mawalan ng silbi.

Bawat gabi, binibilang ko ang mga bituin,
umaasang may isa roon na magbabalik sa’yo,
ngunit ang langit ay nanahimik,
at tanging mga luha ko ang naging ilaw sa dilim.
Akala ko’y tapos na, na ang ating kwento’y
itinabon na ng buhangin ng panahon.

Ngunit eto ka ngayon… bumalik.
At sa pagbabalik mong ito,
parang unang patak ng ulan sa tigang na lupa,
parang liwanag ng buwan na nagturo muli ng daan.
Muling tumibok ang pusong akala ko’y abo na lamang.

Mahal, salamat…
Salamat sa pagbabalik.
Dahil ikaw ang bagyong nagpabagsak sa akin,
ngunit ikaw din pala ang bahaghari pagkatapos ng unos.
Ikaw ang sugat na pinaiyak ako ng malalim,
ngunit ikaw rin ang lunas na nagpaalala kung paano magmahal.

Ngayon, habang hawak ko ang iyong presensya,
pangako ko, hinding-hindi na kita pakakawalan.
Dahil sa lahat ng iniwan,
ikaw lang ang bumalik dala ang buo kong mundo.

Kung ang pagmamahal ko’y isang dagat,
ikaw ang alon na hindi ko kayang pigilan.
Kung ito’y isang gabi,
ikaw ang bituin na palaging tatahakin ng aking paningin.
At kung ito’y ulan,
ikaw ang patak na paulit-ulit kong hahayaan sa aking balat,
dahil kahit masakit,
ang pagbabalik mo ang pinakamagandang bagyo sa aking buhay.

-PilaK

19/09/2025

Agos ng Ilog

Kung pag-ibig na yari,
Waring ilog ang daloy.
Sa dagat magtapos
Manahan, umagos.

Pag-ibig ko'y iyo,
Maging yaring pagkatao,
Buhay, kalul'wa'y ingata't ipakatago-tago.

Mahal ka sa akin sa habambuhay,
Mahalaga ka sa aking nagbibigay kulay.
Sa habang panahon, sa lahat ng pagkakataon,
Sa iyong bisig tanging iinog, magpakalululong.

Kung yaring mundo'y bukas mapagod
Sa pag-ikot, pagtibok, patay na ubod,
Asahang ang ngayon sa iyo'y ikalulugod,
ialay, ipakasulit kung wala ng susunod.

Ang bawat segundong patak,
Sangmilyong alaalang tatak.
Sa bawat ngiti at sulyap,
Silay, gunita ang mga pangarap.

Ubod sa labis,
Labis sa higit,
Pinakamamahal kang tunay,
Kahit sa panaginip.

Ikaw, tanging ikaw ang buhay sa akin,
Pagmamahal, lumibot, sumaklaw, ng akin.

Nalunod sa pagsinta nang kaliga-ligaya,
Nagpadausdos sa kailaliman nang ika'y masinta.
Dahil handang maghintay hanggang sa karagatan,
Nang ang ilog, magtapos, magtuloy sa kaulapan.

-PilaK

02/08/2025

Hiwalay na pulo, iisa ang kulay
Iba't ibang dila, natatangi ang husay!

Pinagbuklod sa kultura ang daang pulong nagsama-sama,
'di tiyak na parirala ang umukit sa mayamang alaala.

iisang wika, iisang puso
Buklod na dila sa iisang wika.

Maligayang Buwan ng Wikang pambansa!

Mabuhay ang wikang pinagyaman at pinanday sa maraming talinhaga, ang wikang salindila,

Wikang Filipino!

Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilas ng Kahapon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category