22/06/2026
Hi, this is Nikki from Deep Sea Collectives! I'm posting this to clear some things out that have been posted and commented by some.
Sa nag-message niyan sa page, napaka-sinungaling at napaka-ungrateful mo.
Yang Secret Seat Club ang lumapit kay Lio para sa album launch nila. Yes, may bayad ang event, at pwede niyo mismo silang tanungin kung magkano ang binayad nila samin at isipin niyo kung worth it ba talaga iyon sa lahat ng effort at gastos na inilabas namin.
Sila ang may gusto ng malaking venue na may mataas na bar guarantee. Sinabihan na sila ni Lio na baka hindi nila kayanin dahil malaki ang risk, pero pinilit pa rin nila dahil iyon ang gusto nila. In the end, hindi nila na-reach ang required sales.
Si Lio pa mismo ang nakiusap, at kami pa ang nag-abono ng almost ₱10,000. We even hired someone to manage the entrance dahil expected na maraming dadating. Kami rin ang gumastos sa napakaraming tickets at wristbands na ginamit. Dagdag pa ang biyahe namin from Cavite to QC. Syempre, hindi naman pwedeng hindi kami gumastos para sa pagkain namin at ng taong hinire namin.
Yang event na yan, pinush ni Lio kahit sobrang alanganin na para lang masuportahan ang mga batang yan.
So anong sinasabi nilang “binulsa” namin? Nagbayad kami diyan. Mas okay sigurong maglabas sila ng screenshots at buong resibo ng usapan para hindi mukhang one-sided o biased ang kwento nila.
Ang kulang na lang noon was around ₱1,200+, pero ang pinalalabas nila ngayon ay parang kinuha namin lahat ng pera. Napaka-sinungaling niyan.
Grabe ang suporta ni Lio sa kanila from accompanying them to gigs, helping them out, and even treating them kahit na minsan kami mismo walang kapera pera. He genuinely supported them beyond what was expected.
At ito ang isusukli nila? Public accusations, lies, at paninira?
Napaka-ungrateful.
Isa pa, bakit di niyo nirereplyan messages ko kung di kayo guilty?
Sarili kong desisyon na ipagtanggol si Lio. Choice ko ’yon, at wala siyang kinalaman sa mga sinasabi ko.
Hindi naman kailangan ipaalam ni Lio sa inyo na matagal na nasa NICU ang baby namin para lang masabihan ninyo siya na nagpapaawa. Hindi niya ginagamit ang sitwasyon namin para makahingi ng simpatya sa kahit na sino.
Sa Mows, makikita naman sa receipt na halos kalahati ng sales ay si Lio mismo ang nag-order. He genuinely tried his best para makatulong at madagdagan ang sales ng bar.
At para malinaw lang po, ang total na kailangang bayaran dahil hindi na-reach ang bar guarantee ay ₱6,580. Nakapag-send na kami ng ₱2,000, bale ang remaining balance na lang ay ₱4,580. Hindi naman niya i-nutang ’yon, pero babayaran pa rin namin dahil nga may terms.
Yes, may pagkakamali rin si Lio sa part na hindi siya nakakapag-reply. I acknowledge that. Pero ang totoo, patong-patong na ang stress na pinagdadaanan niya, at ayoko na siyang ma-pressure pa lalo. Hindi ko naman dini-disregard ang frustrations ninyo, pero sana maintindihan din ninyo na may mga bagay na pinagdadaanan siya na hindi ninyo nakikita.
Kaya sana naman, hindi na kailangan magsalita ng masasakit o hindi makatarungang bagay against sa kanya. He’s already doing more than what is expected of him, and he doesn’t deserve to be treated that way. Again, baka iniisip niyo na baka ako yung pino-front ni lio dito. No. It's my decision. Partner ko siya, kaya i-pag tatanggol ko siya. Ako nag decides na wag siya hindi dahil sa hindi niya kaya, dahin yun ang sinabi ko.
Nakakalungkot lang na madalas, kapag hindi naabot ang sales target ng isang event, sa music production agad napupunta ang sisi.
Hindi nakikita ng iba kung gaano kalaki ang effort na inilalagay ng production para mabigyan ng exposure ang mga banda at makatulong din sa negosyo ng mga bars. Kami ang naghahanap ng line-up, nag-oorganize ng events, nagpo-promote, at paulit-ulit na nagpapaalala sa performers at supporters na umorder sa bar, magdala ng guests, at suportahan ang venue na nagbibigay ng pagkakataon sa live music scene.
Ang hindi maintindihan ng karamihan sa performers, kapag hindi na-reach ang sales na nakalaan para sa event, production ang sumasalo at nagbabayad ng kulang. Hindi ito basta numbers lang. Totoong pera at responsibilidad ito na production ang humaharap kapag kulang ang sales.
The reality is, hindi kontrolado ng production kung sino ang oorder at hindi. Hindi rin namin kontrolado kung may mga performers na aalis agad pagkatapos ng set nila imbes na suportahan ang ibang bands. Hindi rin namin hawak ang desisyon ng audience kung bibili sila ng pagkain at inumin o hindi. Nakaka-stress din para sa production kapag may mga banda na nagca-cancel last minute. Malaking factor din yun sa sales. May mga supporters na pupunta sana para sa kanila, tapos kapag nag-cancel sila, hindi na rin tumutuloy. Syempre, naaapektuhan yung attendance at yung sales na sana makakadagdag para maabot yung target. Isa rin yun sa mga bagay na wala naman sa kontrol ng production pero kami pa rin yung sumasalo ng ganon sitwasyon.
Naiintindihan ko rin na nahahassle ang mga bars kapag hindi naaabot ang expected sales nila. Negosyo rin ang pinapatakbo nila at may mga expenses silang kailangang bawiin. Pero sana magkaroon din ng konsiderasyon sa side ng production.
Sana naman hindi laging sa production ang sisi ng mga bars. Hindi niyo alam yung kaba, pressure, stress, at hassle na dinadala namin sa bawat event. Habang iniisip ng iba kung magiging successful ang gig, kami naman ang nag-aalala kung paano mabubuo ang sales target at kung saan kukuha ng pambayad kapag hindi ito naabot. Hindi biro ang maglabas ng malaking halaga para saluhin ang kulang sa sales, lalo na kung ginawa mo naman ang lahat ng makakaya para maging successful ang event.
Akala ba ng iba mayayaman ang mga production? Na trip-trip lang ang pag-oorganize ng events? Na gusto lang naming pahirapan ang sarili namin at ang ibang tao? Most productions are doing this because they genuinely want to support the music scene, help bands gain exposure, and create opportunities for artists to perform.
Hindi nakikita ng marami ang oras, pagod, gastos, at risk na inaako ng production sa bawat event. Kapag successful ang event, masaya ang lahat. Pero kapag hindi naabot ang sales, production agad ang sumasalo ng consequences.
Kaya nakakadismaya kapag production ang nasisisi sa mababang sales, samantalang ginawa naman namin ang lahat para makahikayat ng tao, makapag-promote nang maayos, at paulit-ulit na mag-remind sa lahat na suportahan ang venue. Ang success ng isang event ay hindi lang responsibilidad ng production/collective effort ito ng performers, supporters, at venue.
At the end of the day, we’re all part of the same music community. We all want the same thing successful events, thriving venues, supported artists, at mas lumalaking music scene. Sana instead of pointing fingers, mas magkaroon ng understanding, accountability, cooperation, at consideration from everyone involved.
I know you’re wondering why I’m the one speaking up instead of Lio, but it was my decision to do so. Just to add lang, nag hiatus ang deep sea hindi dahil sa may tinataguan. Hindi naman hundreds of thousand or millions ang perang involved para mag tago sa ganito. And it has nothing to do on people leaving the group chat. Feel free to message me if may other concerns pa kayo regarding deep sea instead mag pakalat ng malicious comments about us. Sasagutin ko naman kayo lahat.