04/03/2026
Noong unang panahon, may kasabihan ang matatanda tungkol sa lunar eclipse.
Kapag namumula o nagdidilim ang buwan, sinasabi nila na may higanteng ahas na tinatawag na Bakunawa na kumakain dito. Kaya ang mga tao noon ay nag-iingay, kumakalampag ng kaldero, at sumisigaw para matakot si Bakunawa at bitawan ang buwan.
Pero ang mga kuwento ng matatanda ay bahagi ng ating kultura, paraan nila noon para ipaliwanag ang mahiwagang nangyayari sa langit.
At sa tuwing may eclipse, naaalala natin ang kanilang imahinasyon at paniniwala.