07/01/2026
3 for 170.
Mukhang mura, mukhang bentang-benta… pero tara, himayin natin as a personalized crafter / printing business owner.
Pamigay presyo para lang may customer.
Relate? Kasi aminin natin, maraming crafters ang dumaan sa phase na basta may benta, kahit halos wala nang matira sa kita.
Pero let’s be real.
Ang personalized crafting hindi lang print-cut-dikit. May oras sa pagreply sa inquiries, pag-layout ng design, revisions ng client, test print, actual printing, cutting, finishing, packaging — minsan ilang beses pa inuulit para lang masabi mong quality ‘to. Lahat ‘yan may cost, kahit hindi siya hawak o nakikita.
Kapag sobrang baba ng presyo:
• hindi nababayaran ang oras mo
• napapagod ka pero parang wala kang usad
• nasasanay ang customers na “mura lang naman yan”
• ikaw mismo, nawawalan ng gana sa ginagawa mo
Proper costing is not pagiging mahal, it’s pagiging fair. Fair sa sarili mo, fair sa negosyo mo, at fair sa industriya.
Kasama dapat sa presyo ang:
✔ materials
✔ ink & machine usage
✔ time & labor
✔ skills & experience
✔ overhead (kuryente, internet, tools)
✔ profit (oo, kailangan mo ‘to)
Hindi ka nagnegosyo para lang mapagod.
Hindi rin sukatan ng galing ang murang presyo.
Hindi lahat ng naghahanap ng mura ay target market mo at okay lang ‘yon. Mas mahalaga ang clients na marunong mag-value ng gawa mo, hindi lang ng presyo.
Kung crafter ka at napapagod ka na sa “pamigay presyo,” this is your sign:
Ayusin mo ang costing mo. Taasan mo ang presyo mo. Deserve mo ‘yan.
Quality, time, at effort mo ay may halaga. 💗💪