MSEUF SHS Theater Arts Club

MSEUF SHS Theater Arts Club The official page of the Theater Arts Club of Manuel S. Enverga University Foundation SHS

Happy World Theatre Day!
27/03/2026

Happy World Theatre Day!

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐“๐ก๐ž๐š๐ญ๐ซ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ! ๐ŸŽญ

Para sa sining na buhay na buhay sa bawat entabladoโ€”sa bawat linyang binibigkas, galaw na ipinapadama, at kwentong tumatagos sa puso.

Teatro ay hindi lang pagtatanghal, kundi pusong iniaalay sa sining.

Pagpupugay sa lahat ng artistang patuloy na lumilikha at nagbibigay-buhay sa entablado. โœจ

12/03/2026
12/03/2026
01/03/2026

๐ŸŽญ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ | ๐—๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—”

Isang graduating Senior High student.
Tahimik, ngunit laging nagmamasid.

Si Maria โ€œJuliaโ€ Fernandez ay may dalang bigat na hindi nakikita sa unang tingin. Kapatid ng isang nawawalang student journalist, dala niya ang anino ng pagkawala sa bawat desisyong kailangan niyang gawin.

May mga pangarap na sabay nilang binuo.
May mga pangakong kailangang tuparin.
Ngunit paano haharap sa hinaharap kung ang nakaraan ay hindi pa tapos?

Sa mundong patuloy na hinuhubog ng tapang, alaala, at paninindigan ng mga kababaihan, si Julia ay hindi lamang isang estudyanteโ€”isa siyang alaala ng katotohanang hindi pa natatapos isulat.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป!

Kita-kita sa March 9 sa AEC Little Theater.

Upang makapagparehistro at ma-lock in ang inyong seats, i-message ang aming FB Page.

Photographed by Elaiza Constantino
Layout by Ashwynne Pielago

01/03/2026

๐ŸŽญ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ | ๐—–๐—›๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—”๐—ก

Isang graduating Senior High student.
Mapagmahal. Tapat. Naniniwala sa pananatili.

Si โ€œChristianโ€ Michael Botor ay idealistikoโ€”naniniwala sa mga pangakong sabay tinatahak at sa ideya na ang pagmamahal ay pagpili, araw-araw.

Handa siyang maghintay.
Handang sumunod.
Handang isantabi ang sariling direksyonโ€”kung ito ang kapalit ng pananatili ng taong mahal niya.

Ngunit hanggang saan ang pag-ibig kung ang mundo sa paligid ay unti-unting nagbabago?

Sa Isang Buwan Bago Ang Huling Bell, si Christian ang puso ng pangakoโ€”at ang tanong kung sapat ba iyon.

Kita-kita sa March 9 sa AEC Little Theater.

Upang makapagparehistro at ma-lock in ang inyong seats, i-message ang aming FB Page.

Photographed by Elaiza Constantino
Layout by Ashwynne Pielago

01/03/2026

๐ŸŽญ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ | ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ

Alam nila ang mga nangyayari sa loob ng paaralanโ€”ang mga hindi nasusulat, ang mga hindi sinasabi. Mga lihim na nananatili sa pagitan ng katahimikan at tungkulin. Hindi sila ang pinagmulan ng kwento, ngunit sila ang mga nakasaksi.

Habang umuusad ang Isang Buwan Bago ang Huling Bell, pinipili nilang manatili sa likodโ€”nakikinig, nagmamasid, at nananahimik.

Sa ilalim ng direksyon ni Jhasmine America.

Mapapanood sa March 9 sa AEC Little Theater Ang Isang Buwan Bago Ang Huling Bell โ€” isang yugto ng mga tinig na hahamon sa pagitan ng katotohanan at ingay.

Upang makapagparehistro at ma-lock in ang inyong seats, i-message ang aming FB Page.

Photographed by Astra David
Layout by Ashwynne Pielago

Address

University Site, Ibabang Dupay
Lucena

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSEUF SHS Theater Arts Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share