12/04/2026
Marami akong mga gusto sa buhay
Magarbong buhay at maraming bagay
Nguni't sa aking pagbubulay
Ito nga ba'y sa ikabubuti? O sa layaw?
Yong gusto ko lang ba ang tatanggapin o pati ang ayaw?
Humingi ako at ako'y binigyan
Tinanggap ko at aking nakamtan
Mas mabuti pala kung sa Dios na kalooban
Sigurado at hindi kapahamakan
Kaya't nawa ay huwag ang ibig ko
Kundi ang ibig Mo 💓