07/04/2025
Mga Eksena mula sa Pagbubukas ng SariBuhay 🌴
Ang SariBuhay sa Pabago-bagong Kalikasan ay isang pagdiriwang at pagtataguyod ng ekolohiya bilang lunsaran—isang tagpi-tagping puwang ng pagkikita, pagkilala, at ugnayan ng pinagmulan at pagkakakilanlan.
Isa itong bukás na espasyo para sa usapang sining at mga pagtatanghal na kultural, kung saan ang samu’t saring likhang sining ay patuloy na nabubuhay sa kalikasang pinagsasaluhan at pinahahalagahan ng bawat isa.
Sa likod ng bawat obra, salin ng damdamin, at himig ng pagtatanghal, ay ang kolektibong pananagutan nating maging tagapagsalita at tagapangalaga ng ating kinapapalooban.
Maraming salamat sa inyong mainit na pakikiisa at pagdalo sa matagumpay na pagbubukas ng visual arts exhibit na ngayon ay bukás at mapapanood ng mga taga-Quezon at sinumang dadayo upang makisaksi.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng kanilang oras, lakas, at bukas-palad na suporta:
Sa berdeng espasyo ng Naay Po kina Lawi at Kurt. Gayundin sa kanilang team, sina Athan, Precious, at Gerald, sa assistance at sa inihandang masasarap na lokal na pagkain.
Sa Euphoria Music Production, sa pangunguna ni Marcus Angay kasama sina Jian Carlo Manila, Brandon Cuarez, at Aevril Quijano.
Sa mga pagtatanghal ng Tula-Arawan Artist Collective, kasama sina Alvin Ursua, Hulyo Panganiban, at Dakini.
Hindi rin matatawaran ang sigla ng Dupay Boiz—Yob, Lalo, Hans , Angkoy, Jo, at John Cedrick.
Gayon din kina Juan Piyok, Papa Loyd, Eman MC, Khalil Verzosa, at Eshei Mesina.
Sa lahat ng nagsabit ng kanilang mga obra—mga likhang may puso at layon:
Chiney, Amae, Vlasko, Kevin Pablo, Carol Anne McChrystal, Ginoe, Miggy, Eva, Frances, Indy Paredes, Iomar Eimra, Migs Camacho, Plini del Rio, Thea Mujares, Elvira Bulgari, Otep, Rafael, Oz Kenshin, Raya, Simeon, JM Satin, Aron Bonete, Tristan Josua Mari Francisco, Owa, Guia, at Dale Magsino.
Mula sa amin, Linyado ArtLab - Buen, Marian, Denzio, at Pintig—na buong puso ring naghandog ng sining.
Hanggang sa muli nating pagsasalu-salo sa ngalan ng sining, kultura, at kalikasan.
Mabuhay si Inang Kalikasan! 🌾🌞🪸