01/06/2025
PAGPAPAALAM | Ang Wakas ng Isang Paglalakbay
Katulad ng isang indibidwal, isinilang ang produksyon ng TaniKalayaan mula sa isang layuning may puso. Ang layuning gamitin ang sining bilang tinig ng mga taong matagal nang binusalan. At ngayon, matapos maranasan at lampasan ang bawat yugto ng aming paglalakbay mula sa Pagsilang, Pagtindig, Unang Hakbang, Pagsibol, hanggang sa Paglaya, panahon na upang mamaalam.
Noong Biyernes, Mayo 30, 2025, sa CTE AVR, buong tapang na itinanghal ang teatrikal na bersyon ng KALIWA, mula sa orihinal na manuskrito ng iskrip ni Norwen Chris Mondejar. Hindi naging madali ang bawat hakbang. Sa likod ng entablado ay mga gabing pinagpuyatan, mga araw na pinagpaguran, at mga panahong kami rin ay napatatanong sa sarili: Kakayanin ba naming dalhin ang bigat ng kwento? Pero sa huli, pinili naming lumaban upang mapakinggan ang tinig na nagpupumilit lumaya.
Samuβt saring emosyon ang bumalot sa aming dula. Tahimik na pagtangis, matapang na paninindigan, at taimtim na panalangin para sa ating mga kapatid na Aeta, na hanggang ngayon ay patuloy na ipinaglalaban ang karapatang matagal nang ipinagkait sa kanila. Isinabuhay sa entablado ang kanilang sigaw, at sa pagtatapos ng dulang KALIWA, bitbit namin ang aral, kirot, at pag-asa na hatid ng kanilang kwento.
Ang bawat yugto na pinagdaanan ng produksyon ay hindi lamang bahagi ng isang pagtatanghal β ito ay repleksyon ng paglalakbay ng isang layunin na pinanday ng damdamin, dangal, at paninindigan. Hindi naging madali ang daan, ngunit natapos ito nang may mulat na kamalayan, pusong busilak, at adhikaing naisakatuparan.
Mabuhay ang mga tinig na piniling tumindig.
Mabuhay ang mga Aeta!
Hanggang sa susunod na paglalakbay.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakinig, at nakibaka sa laban kasama ang TaniKalayaan.
βοΈ Ysaah Nicole Ortopias