10/06/2025
RIPE Resigned... Anong nangyari?
Nagbitiw sa puwesto si Mário César Martins de Camargo, na dapat sana'y maging Rotary International President para sa taon 2025-2026.
Ang opisyal na dahilan ng kanyang pagbibitiw ay dahil sa kalusugan, negosyo, at pamilya... mga rason na karapat-dapat respetuhin. Pero para sa maraming nakakakilala sa kanya, ramdam na mas malalim pa ang rason kung bakit. Marahil, isa ito sa mga sitwasyon kung saan sinusubok ang integridad at prinsipyo ng isang tunay na lider.
Si Camargo ay hindi basta-bastang member. He has been a dedicated and outstanding leader in Rotary for 45 years. He is known for his strong values, service, and humility. He never chased power or titles... he served from the heart. That’s why he chose to step away... because someone who truly serves won’t stay in a place where their values are being compromised.
At ‘yan ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong bumitiw — kasi ang isang taong may tunay na malasakit, hindi tatagal sa isang lugar kung saan ang kanyang values ay hindi na ginagalang.
Dapat tayong mapaisip... Bakit ba tayo naglilingkod? Para ba sa ego, para ba sa personal na interes o para sa tunay na serbisyo? Ang Rotary (at kahit anong organisasyon) ay hindi dapat maging entablado ng yabang o pansiriling interes kundi tahanan ng pagkakaisa, malasakit, at kabutihan.
Ang ginawa ni Camargo ay paalala sa atin ng tunay na kahulugan ng leadership... ito'y hindi lang tungkol sa pagiging mataas ang puwesto, kundi sa paninindigan, sa katotohanan, at sa pagiging matapang na humakbang palayo kapag hindi na tugma ang nangyayari sa mga paniniwala mo.
Kahit wala na siya sa puwesto, mananatili ang respeto at paghanga ng marami. Hindi natatapos ang serbisyo sa isang title lang dahil ang tunay na paglilingkod, nagmumula sa puso.
Maraming salamat, Camargo... hindi lang sa mga nagawa mo, kundi sa kung sino ka. Naipaalala mo sa amin ang halaga ng integridad, katapangan, at tunay na malasakit... mga bagay na dapat nating dalhin hindi lang sa Rotary, kundi sa araw-araw na buhay.
Inspired context / ctto
Ligados nas Pessoas em Ação