01/05/2026
โ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐โ
May mga umagang tahimik na pilit binubuksan ang mata,
Hindi dahil sapat ang pahinga, kundi dahil kailangan na,
Sa mesa, ang bilang ay laging kapos sa inaasahan nila,
Sahod na manipis, โdi sumasapat sa bigat ng gastusin pa.
Bakit ang sahod ay laging bitin sa talaan?
Parang numerong kulang kahit ilang ulit pang pagmasdan.
Habang ang oras ay buo nilang iniaalay sa bayan,
Kapalit ay kakarampot na โdi kasya sa pangangailangan.
Kaya may mga pangarap na tiklop sa loob ng bulsa,
Hindi isinuko kundi pansamantalang itinabi muna,
Ipinapasa sa baon, sa pamasahe, sa sikmurang kumakalam,
Hanggang ang โgusto koโ ay natutong manahimik na lamang.
At may mga tahanang tila may kulang na pahina,
Isang upuang hindi napupunan kahit hintayin pa,
Dahil may mga kamay na kumakayod sa ibang lupa,
Kapalit ay yakap na unti-unting nagiging alaala.
Akoโy anak ng tawag at mensaheng umaasa,
Sa bawat hapag, hindi sabay ang pag-abot ng tasa,
Lumaki sa yakap na hinati ng dagat at distansya,
Ngunit buo ang pag-ibig kahit kulang sa presensya.
Kaya ang araw na ito ay hindi lang pahinga,
Ito ang boses ng mga kamay na patuloy na lumilikha,
Araw din ng mga inaโt ama na ang pag-ibig ay gawa,
Hindi lang salita, kundi sakripisyong hindi nawawala.
Kung sapat sana ang halaga ng kanilang pagod at gawa,
Hindi sana kailangang ipagpalit ang oras sa malayong distansya,
Ngunit sa kabila ng kulang na hatid ng sistema,
Sila pa rin ang dahilan kung bakit may bukas na pag-asa.
โ ๐ณ๐๐-๐๐